Alden Richards, ‘di raw nailang kay Marian Rivera

Alden-RichardsPOSITIVE ANG dating ng pagsasama nina Marian Rivera at Alden Richards sa bagong teleseryeng ipinangangalandakan ngayon ng GMA-7, ang Carmela dahil sobrang okey ang pagsasama sa trabaho ng magkapareha.  Una siyempreng mapapansin ay kung bakit sa dinami-rami ng puwedeng makapareha ng primetime queen ng Siyete ay isang medyo baguhan pa ring masasabi sa industriya ang ibinigay sa kanya bilang leading man?

“Sobrang malaking project ito para sa akin. Kasi nga, malaking isipin, na Alden Richards pa lang ako, at reyna ng GMA si Marian, pero ako nga ‘yung napiling ipareha sa kanya. Pero ang nakakatuwa kay Marian, wala akong naramdaman na dapat akong mailang sa kanya dahil sikat na sikat nga siya. Kalog din kasi siyang makasama sa trabaho,” masayang pahayag ni Alden.

Iniaangat din naman ni Marian si Alden, dahil mahusay nga raw artista sa hanay ng mga bagong sumisikat sa GMA.  “Ayoko namang magbuhat ng sariling bangko, porke’t mas nauna ako sa showbiz kesa kay Alden. Ang dapat na lang isipin, ay maganda itong project na ito, at bago ‘yung leading man ko, na mas bata nga kesa sa akin. Pero alam ni Alden, magiging maayos ang pagsasama namin sa bawat eksena, dahil ipinararamdam ko naman sa kanya na gusto ko siyang kapareha,” banggit ni Marian.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Alden Richards, ‘di raw nailang kay Marian Rivera

Leave a Reply

Your email address will not be published.