Alden Richards, ‘di pa raw handang mag-model ng underwear

KAPANSIN-PANSIN NA lumalaki na ang katawan ni Alden Richards. He’s really working out daw para mapaganda ang kanyang built.

“Kasi po, may upcoming shoot ako for Folded & Hung na pang-summer,” aniya. “So, siyempre kailangan, preparation po ulit. Parang sa Cosmo Bash. Sexy po ang concept. Since pang-summer. Pero tingnan pa rin po natin.”

Nangiti ang aktor nang matanong naming kung puwede na rin ba siyag maging endorser ng underwear?

“Ay, hindi po! No. Not at this point po. Parang it’s too early. Magtu-two years pa lang po ako sa showbiz. Baka po in two years time. Hindi pa rin po ako makapagsabi kung kailan, kasi marami naman pong pagbabago minsan sa industriya. So, abangan na lang po kung kailan ako mag-i-endorse ng brief!” natawang sabi pa ni Alden.

Dalawang MMFF entries ang kasama siya sa cast. Ito ay ang Si Agimat, Si Enteng, At Si Ako nina Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos, at Sossy Problems.

“Love interest ako ni Bianca King sa Sossy… pero sandali lang po ang role ko do’n sa movie. Sa Si Enteng… naman, part po ng isang organization ang na in-arrange ni Ms. Judy Ann naman ang character ko. I had fun naman po during the shoot.”

Sa darating na MMFF Parade of Stars, saang float siya sasakay?

“Sa Si Agimat, Si Enteng, At Si Ako po. As per GMA 7 management na rin po ‘yon. Since very short lang po ang exposure ko do’n sa Sossy…”

After ng taping niya for Indio, ang fantasy series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla na magsisimula nang umere sa January 14 next year, may bagong teleserye raw na inihahanda na for him.

“This coming February na po. Hindi ko lang po alam kung si Louise (delos Reyes) pa rin ang magiging ka-partner ko. Pero, sana po,” sabi pa ni Alden.

 

IN FAIRNESS sa TV5, bumawi sila ngayong taon na ito sa kanilang   Christmas party para sa press. Walang umuwing luhaan sa mga miyembro ng media na naimbitahan.

Ilang taon din kasing umaani ng hindi magandang write-ups ang Kapatid Network pagkakatapos ng Christmas party nila for the press people. Dati kasi, kapag hindi ka nanalo sa raffle, uuwi ka talagang luhaan.

Mga one third o higit pa ang hindi nananalo na luhaan nga kapag uwian na. Pero last December 5, hindi inaasahan ng lahat na bongga na ang Christmas Party ng TV 5.

Pag-register mo, may mga maliliit na plastic balls na ibibigay sa ‘yo. Tatlong colors ito… pink, green, and red. Sa kalagitnaan ng party, ini-reveal kung ano ang prize na makukuha na katumbas ng color ng balls.

One thousand pesos para sa pink balls. One five para sa green balls. At ttwo thousand para sa red balls. May kasama pang Avon gift pack mula sa Kapatid star na si Alice Dixson.

So marami mang hindi nanalo sa raffle, deadma na. Kasi, wala na ngang luhaan.

Ang ABS-CBN, bongga rin Chirstmas party for the pressa last December 4. Taun-taun naman, laging masaya rin ang mga nai-invite.

Ang Kapamilya Network kasi even before, ayaw talaga nang may umuuwing luhaan sa mga naiimbita nila para sa kanilang Christmas Party. Good thing na naging ganito na rin ang Kapatid Network ngayon.

Ganyan!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Alden Richards, ‘di pa raw handang mag-model ng underwear

Leave a Reply

Your email address will not be published.