Alden Richards, bina-bash ng Julielmo fans sa Twitter

AYAW NA lang daw intindihin ni Alden Richards ang dami ng nagba-bash sa kanya sa Twitter. Simula kasi nang i-link siya kay Julie Anne San Jose, namutakti na sa dami ng hindi magagandang mensahe na natatanggap nito sa fans ng loveteam nina Elmo Magalona at Julie Anne (Julielmo ).

Minsan nga raw, kamuntik-muntikan nang mapikon si Alden dahil below the belt na ang tira sa kanya ng mga tagahanga ng dalawa. Mukhang hindi yata matanggap ng avid fans nina Elmo at Julie Anne na click ang tambalan nila Alden at Julie Anne na talaga namang may kilig everytime na magkasama ang dalawa.

If ever nga raw ma-tuloy ang pagsasama ng mga ito sa mga proyekto ng GMA 7, aprubado raw ito kay Alden, dahil gustung-gusto talaga nitong makatrabaho ang Internet Sensation na si Julie Anne.

Ang mahalaga raw kasi kay Alden, may dire-diretso siyang trabaho at hindi nababakante, hindi lang para sa kanya kung hindi para na rin sa kanyang mahal na pamil-ya. Kaya naman daw hindi na lang niya papansinin ang mga atake sa kanya ng Julielmo fans. Dahil if ang kanyang home studio at GMA Artist Center na ang nagsabi na ipapareha siya kay Julie Anne, tatanggapin niya ito nang buong-puso.

 

KAMUNTIK-MUNTIKANG MAGKAROON ng stampede ang show ng UPGRADE na ginanap sa Balagtas Town Center, Balagtas, Bulacan sa dami ng taong pumunta at nanood ng solo show ng Internet Sensation at tinaguriang Twitter Cuties na binubuo nina K-Cee, Rhem, Ron, Miggy, Mark, Raymod at Armond.

Mabuti na lang daw at maagap ang mga security guard ng nasabing mall at nailabas nila ang grupo sa venue or else ay baka kung ano na ang nangyari sa bawat miyembro ng UPGRADE. Pero kahit nailabas na sila, hindi pa rin naiwasang magkaroon ng kalmot ang halos lahat ng miyembro nito dahil na rin sa kurot na dala ng panggigigil sa kaguwapuhan ng grupo ng GMA boyband.

Kaya naman sa mga gustong mapanood ang UPGRADE nang live na nagpe-perform, bisitahin lang ang kanilang Facebbok account, ang UPGRADE at Twitter account na @UpgradeOfficial nang malaman ang shows ng itinuturing na isa sa pinakasikat na boyband ngayon sa bansa. ‘Yun na!

 

HEAD OVER hills daw ang pag-hanga ng Mr. Charming ng Music Industry na si Xavier Cruz sa ABS CBN Prime Artist na si Kim Chiu na hindi pa man daw siya pumapasok sa showbiz ay crush na crush na niya.

Kaya naman daw everytime na makikita niya ito ay talaga namang nai-starstruck siya. Kuwento pa nga nito na if ever na mag-aartista siya, si Kim Chiu ang gusto niyang makasama, para nang sa ganu’n daw ay mas makilala pa niya nang lubusan ang magandang young actress.

Minsan na raw nitong nakita at nakalapit si Kim Chiu sa isang mall na hindi niya pinalagpas ang pagkakataong makapagpakuha ng litrato at ito raw ang kauna-una-hang pagkakataong nakita niya nang personal at mas humanga raw ito sa kagandahan at kabaitan ni Kim na hindi nagdamot na magpalitrato sa kanila.

Sa ngayon nga raw, nag-iisip si Xavier ng isang awitin na isasama sa kanyang album na inaalay nito kay Kim, isang awitin daw na nagsasaad ng kanyang niloloob at sobra-sobrang paghanga sa magandang young actress.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Alden Richards, bina-bash ng Julielmo fans sa Twitter

  1. ay punyemas sino naman yang grupong upgrade na yan ng kapucho kamuning payatas??? punyemas me ganung grupo pala at pinagkakaguluhan pa hahahahahaha

  2. ILAN YUNG BASHER??? 2? 3? 4? 5? AHHAAHAHAHAHHAA NGA KAPUCHU STARLETS NA MGA BAURA AHAHAHAHHA SILA SILA LANG YAN KUNWARI ME INTRIGA PARA UMINGAY YUNG MGA STARLETS NA YAN HAHAHAHHAA

  3. AT ISA PA, PWEDE BA JOHN FONTANILLA, NAPAKA OA MO NAMAN EH, SINO BA YANG UPGRADE? PARA NAMANG NAPAKA-SIKAT NIYAN EH MGA DA WHO NAMAN… KAPAG NAGPE-PERFORM YAN SA PARTY PILIPINAS KELANGAN LAGYAN PA NG NAME TAG PARA MAKILALA HAHA!

  4. walang comment? as expected naman eh hahaha! unang-una wala naman kwenta ang julielmo na yan na flopsina. Si alden richards, hmmm… pwede ng pagtiyagaan huh! mukhang masarap at makatas hehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published.