Alden Richards at Yaya Dub, naunsiyami ang pagkikita

Yaya-Dub-Alden-RichardsBONGGA TALAGA ang Eat Bulaga, ha! Tatlong linggo pa lang tumatakbo itong Kalyeserye nila, sobrang hit na hit na at nakakaloka ang kasikatan ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub.

Lalo na nu’ng Sabado na inabangan ng lahat ang sapilitang pagpapakasal nina Lola Nidora kina Yaya Dub at Frankie, bongga sana ang drama.

Pero biglang hinimatay si Yaya Dub na ang buong akala ay scripted lang ‘yun, hindi pala.

Totoong hinimatay talaga si Yaya Dub sa tabi ni Frankie na ginagampanan ni Jose Manalo.

Nagkagulo doon sa barangay na kinalagyan nila dahil kailangang isugod na sa hospital si Yaya Dub.

Kaya hindi pa rin sila nagkita ni Alden kahit sumugod na roon sa kasalan ang Kapuso young actor.

Pagdating sa Startalk, guest namin si Alden at nagbigay siya roon ng update ng tunay na kalagayan ni Yaya Dub.

Nasa Twitter na raw na okay na ang kalagayan ni Yaya Dub na isinugod sa Cardinal Santos Hospital.

Bago pa kasi mag-Eat Bulaga ay nag-tweet na raw si Yaya Dub na masama na talaga ang pakiramdam niya.

Lalong lumala pagdating niya sa set na napakainit. Kaya hindi nagtagal, hinimatay na ito.

Actually, ‘yun naman talaga dapat ang drama nila, pero hindi pa ‘yun ang cue.

Nagkataong totohanang himatay na talaga ang nangyari.

Kaya naman naloloka na ang sambayanan sa pagsubaybay sa kuwento ng Kalyeserye na alam ko ideya ito ni Joey de Leon.

Lalong dumami tuloy ang kumukuha kay Alden sa mga out of town shows dahil sa kasikatan niya sa Eat Bulaga.

Pati si Yaya Dub ay marami na ring kumukuha pero ayaw pa ng Eat Bulaga dahil hindi pa nga naririnig ang boses niya.

Abangan na lang muna kung kailan matapos ang kuwento ng Kalyeserye, at doon na siguro puwedeng lumabas at magpa-interview si Yaya Dub o si Maine Mendoza sa tunay na buhay.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.