Alden Richards at Yaya Dub, ‘di totoong ‘di pa nagkikita?

Alden-Richard -Yaya-DubALDEN RICHARDS, (RJ Faulkerson in real life) has already met Maine Mendoza now popularly known as Yaya Dub. They were photographed together during a Candy Magazine event noong 2010 where Alden was one of the Candy Cuties. The photo appeared in one popular website. Medyo blurred ang kuha kaya mukhang hindi photoshopped ang kanilang litrato.

Pero marami pa rin ang nag-doubt na magkasama nga sina Alden at Yaya Dub sa photo. Ang tingin nila ay edited ito.

There are also people doubting kung bakit pinalabas ang photo ng dalawa. Ang iniisip nila ay demolition job ito para basaging ang drama na never pang nagkita ang dalawa. Sa isang recent interview kasi ni Alden ay sinabi niyang never pa silang nagkita ni Maine.

May mga nag-iisip pa ngang ang ABS-CBN ang may pakana sa paglabas ng photo all because its show, It’s Showtime, is suffering much from its competition sa Eat… Bulaga!. Simula kasi nang sumikat ang AlDub love team through the show’s kalyeserye ay pinakain na ng alikabok ng Eat… Bulaga! ang It’s Showtime. For the first time ay nag-one digit ang noontime show ng Dos. Times four ang lamang ng rating ng Eat… Bulaga! sa katapat na programa.

Kahit na tila binasag ang drama na hindi pa nagkikita sina Yaya Dub at Alden ay walang nabago sa paghanga at suporta ng mga tao sa AlDub.

“edited man o hndi.., point is napapasaya kami ng aldub.. hndi yng pagkikita nila o yng tamang panahon yung inaabangan ko.. kundi yng rawness. yung naturalesang pagpapasaya..pati na rin yng mga taong relate na relate sa kanila bata man o matanda.. haist sarap ng feeling ng mainlove.. kaya sa mga basers please lng.. sa aldub na nga lng ako kinikilig.. sinasabutahe nyo pa,” say ng isang fan.

“KUNG INAAKALA NIYOOOO NA ANG ALDUB FEELINGS AY MAGBABAGOOOO.. ITAGA NIYO SA BATOOOO.. LALO LANG KAMING KINIKILIGGGG!!!!!” tili ng isang supporter.

“Hahahahahahaha I GUESS THIS IS THE REASON WHY YAYADUB REACTED THAT WAY LAST JULY 16 WHEN SHE FINALLY SAW ALDEN. It was a dream come true! Sorry ABS, the thrill to see them meet AGAIN raves the fans even more!” dagdag ng isa pa.

“CUTE!!!! Their First photo together. Habang tumatagal nakakaloka na ang aldub ah. If this is a ‘black propaganda'(as some may call it) to bring down aldub, well sorry to say but you even made them MORE interesting. ALDUB these two! Kilig pa more,” pahabol ng isang AlDub supporter.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleAnne Curtis, malaswa ang dating ng pagtu-twerk
Next articleRichard Gomez at Dawn Zulueta, walang paki kahit makalkal ang nakaraang relasyon

No posts to display