Alden Richards, 5 taong naghintay na mapansin sa Box-Office Entertainment Award

Alden Richards

Alden Richards

“Ako po, I’ve been in the industry for a little over five years now. Ang tagal ko pong hinintay ang pagkakataon na ito. Maraming-maraming salamat po sa pagkakataon na ito.”

Ito ang naging pahayag ni Pambansang Bae Alden Richards sa pagkakapanalo sa Breakthrough Stars of 2015 sa katatapos na 47th Box-Office Entertainment Award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Labis-labis daw ang kasiyahang naramdaman ni Alden ng mga sandaling iyon, dahil na rin sa isa na namang parangal ang nakuha nito. Kasabay na nanalo ni Alden Richards sa nasabing parangal ang kanyang other half sa AlDub love team na si Maine Mendoza.

At kahit kaliwa’t kanan na raw ang parangal na natatanggap ni Alden, lagi pa rin itong excited sa tuwing malalaman niya na may bagong award na ibibigay sa kanya. Ang mga award daw na nakukuha niya ang kanyang inspirasyon para mas paghusayan pa at mas mahalin ang kanyang trabaho.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.