Alden Richard, hanggang ligaw-tingin lang

MASAYA SI Alden Richards sa magandang feedback kaugnay ng kalu-launch pa lang niyang self-titled album. Pitong kanta ang nilalaman nito. Anim na revivals at isang original composition.

Gusto sana niya na may duet sila ni Julie Anne San Jose. Pero hindi nagkaroon ng chance na magkaroon ng collaboration.

“Kasi po, si Julie Anne ay sa GMA Records,” aniya. “Pero if given a chance… gusto kong maka-duet sana siya. Opo naman!

“Before pa lang po. Before I started the album, natanong ko siya. Sabi ko sa kanya, baka puwede na… if she’s willing to do a collaboration with me. Sabi naman niya… oo, sure. Tutulong pa raw siya sa paggawa no’ng song. Kaya lang po, hindi po nagkaintindihan ang Universal at GMA Records. That’s why… medyo hindi natuloy.”

Sa pitong awiting nai-record niya for his first album, meron bang particular song siya for Julie Anne?

Natawa ulit at tila nag-isip munang mabuti ng isasagot si Alden. “Ano ba? Uhm… basta lahat naman po ng songs para sa kanya, eh. At para rin sa lahat ng fans,” pa-safe na lang niyang sabi.

“Basta po para sa lahat ng nagmamahal sa akin ‘yong mga songs sa album ko. May dedication po ito sa likod. Basahin na lang nila kung ano ‘yong nakasulat do’n,” sabay ngiti na naman ng young actor.

Sakaling maging maganda ang resulta ng kanyang pagiging recording artist na rin, mas bibigyan na ba niya ito ng higit na atensiyon kesa sa acting?

“Wow!” muling napaisip ng isasagot si Alden. “Kasi ako po talaga, first love ko ang acting, eh. Pero hindi ko rin po alam kung gano’n din ang magiging tingin ko sa music sa ngayon na nagsisismula na rin po akong maging recording artist. Hindi ko po alam talaga. Pero as of now po, mas lamang pa rin po ‘yong pagiging aktor sa akin.”

Isa si Alden sa itinuturing na pinakaguwapong bagong henerasyon ng mga male stars. Pero nananatiling zero ang lovelife at nangingimi pa rin siyang manligaw o kaya ay lumabas kahit on a friendly date lang.

Ngingiti-ngiting napakamot na lang sa kanyang ulo si Alden. “Ay, naku! Mahirap mag-commit as of now. Ang hirap masayang ng opportunities na ibinibigay sa akin ng GMA. At saka ‘yong iba pang good breaks na dumarating sa akin.

“Kagaya nga po nito, may album na rin ako. Tapos, maganda naman po ang takbo no’ng soap namin ni Louise (Delos Reyes) na Mundo Mo’y Akin. Kaya… minsan kahit sa sarili ko, wala na akong time. What more pa sa ibang tao? So, ayokong mag-engage into a relationship na ang ending… wala rin. Mapapabayaan ko rin. Sayang.”

Kaya hanggang ligaw-tingin na lang muna siya sa ngayon? “Hanggang gano’n na lang po nga muna siguro. Pero… I’m not closing my door din naman po. Iyon din ang lagi kong sinasabi. Kasi mahirap din namang magsalita nang patapos.

“Kaya kung sino man po, kung may dumating man na talagang hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na ma-inlove sa kanya, eh… we’ll see.”

May Julie Anne san Jose na ngang nali-link sa kanya. Tapos itinutukso din siya sa ka-loveteam niyang si Louise na ngayon ay wala ring boyfriend matapos na mag-break ito at si Enzo Pineda.

“Mahirap po, eh. Mahirap pa. Nahihirapan pa po ako. Focused sa work. Trabaho po muna,” sabay ngiti ulit ni Alden.

 Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Alden Richard, hanggang ligaw-tingin lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.