Parazzi Chikka: Album ni Princess Velasco, Gold na!

Marami ngayon ang na-LSS (Last Song Syndrome) sa acoustic version ng ‘Single Ladies’ na unang pinasikat ng international singer na si Beyonce Knowles. Very intriguing ang misteryosang singer nito dahil wala ang kanyang larawan sa cover ng ‘Addicted to Acoustic’ album. Ang alam lang ng mga fans ay ‘Princess’ ang pangalan ng singer.

Kamakailan lang nang nakumpirma dito sa Pinoy Parazzi na si Princess Velasco  nga ang bagong ‘Acoustic Princess.’ Kung may recall man ang kanyang pangalan, iyon ay dahil sa pagkasangkot niya sa isang kontrobersiya na dapat nang kalimutan. Paniguradong dumami ang humanga sa dalaga dahil sa galing niya sa pag-awit at paggitara. Hindi rin natin maipagkakaila na siya’y maganda’t sexy rin. Ginawaran na nga ng Gold Record award ang baguhang singer dahil malakas ang benta ng kanyang debut album. Congratulations, Princess!

Parazzi Chikka
by Mica Rodriguez

Click to enlarge.

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Album ni Princess Velasco, Gold na!

  1. naku marami na namang mag-cocomment na pangit si princess, hindi nila type ang mga accoutics version ng mga kinanta ni princess at etc.. hay naku mga pilipino ganyan eh puro patutsada pero wala namang utak…. mauuna na ko mag-commnet dito kasi andyan naman ang mga walang magawa ok…. Peace Out…. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.