Albie Casiño, tahimik lang sa isyu kay Andi Eigenmann

CONSISTENT TALAGA ang kampo ni Albie Casiño sa kanilang pananahimik tungkol sa isyu ni Andi Eigenmann. May kakilala kasi kaming malapit sa pamilya ni Albie at sa tuwing nangungulit kami sa Mommy ng young actor tungkol sa kanyang reaksiyon sa mga kaganapan, puro pag-iwas ang reply sa text ng mommy ni Albie. Hindi sila ‘yung tipong naghahanap ng mga kakampi sa panahong ito na si Andi naman ang down na down dahil sa mga kontrobersiya.

Sobrang pinagtataasan ng kilay ngayon si Andi, dahil ang suma total talaga ng mahabang diskusyon ay pinagsabay niyang makarelasyon sina Albie at Jake Ejercito.

Papaano rin kaya bibigyang-katuwiran ng isa sa mga bida ng teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan ng ABS-CBN, na bago magkabukingan na buntis siya noon, ay may mga kasamahan tayo sa panulat na namataan si Andi na may kasama umanong isang foreigner na lumabas mula sa Music 21 d’yan sa Timog Avenue, at hindi raw iyon si Albie o si Jake.

Nagko-concentrate ngayon si Albie sa kanyang pag-aaral sa La Salle, kaya umiiwas na talaga siya sa kontrobersiya. Sa ngayon ang GROWL nina Girlie Rodis, Roselle Monteverde at Leo Dominguez ang humahawak sa career ng young actor.  Nagdusa ang career ni Albie dahil sa alitan nila ni Andi, kaya isang malaking hamon sa GROWL kung muli nilang mapag-iinit ang career ni Albie.

 

BLIND ITEM: Maraming taga-showbiz ang marunong magtago ng kanilang mga lihim tungkol sa kanilang pagkatao, na mas gusto nilang mahalata na lamang ng mga nakakapansin sa kanila kesa ‘yung magkuwento pa sila at aminin kung ano ang kanilang sekreto. Katulad na lamang ng magkaibi-gang itago natin sa mga pangalang Laura Kalaua at Wendy Morales. Si Laura ay isang magaling na singer, at si Wendy naman ay isang mahusay na singer-actress.

Parehong astig ang personalidad nina Laura at Wendy. Nakapag-asawa si Laura, pero pagkalipas ng ilang taon ay nakipaghiwalay rin siya sa kanyang husband, at hindi na mu-ling nag-asawa pa. Nakikipagrelasyon lang sa mga lalaki si Wendy, pero hindi rin naman iyon nagtatagal, kaya hanggang ngayon ay single pa rin siya. Malalim ang pakakaibigan nina Laura at Wendy at sa kanilang samahan, naroon ang isang nakatagong lihim.

Bilib na bilib si Laura kay Wendy, kung papaanong si Wendy ay ganu’n din kay Laura. Walang ibang kaibigan na makasingit sa kanilang friendship, dahil ang gusto nila ay silang dalawa lang ang laging tropa. Pareho lang silang tumatawa kapag kinakantiyawan sila ng kanilang mga kaibigan kung may pompiyangan nang namamagitan sa kanilang dalawa. Pareho nang nakaranas pumatol sa kapwa babae sina Laura at Wendy, pero mas enjoy silang dalawa kung sila ang magkapareha sa kama.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “Albie Casiño, tahimik lang sa isyu kay Andi Eigenmann

  1. Andi Eigenmann ang exactong example ng naging artista lang dahil sa connections. Di marunong umarte, papansin lagi at gumagawa ng mga scandalous na bagay. Hindi tatagal to. Kung tatagal man, dahil magpapatira lang ng magpapatira sa mga executives.

  2. MASAMANG EHEMPLO ng pagka INA ang ipinakikita ng ABS CBN star na si ANDI Eigenmann. May sanggol na anak na, pero ayan at NAGBIBILANG pa rin ng mga LALAKI sa buhay niya at paPARTY party pa all night to early morning at PINABABAYAAN ang sanggol na anak. Anong klaseng DNA meron ang ABS CBN na NANAY na itetch na si Andi Eigenmann, maypagka IMMORAL at IRRESPONSIBLE mother!!!!!

  3. Kasalanan ni  Jackilyn kung hindi sana sya nakisawsaw sa relasyon ng anak niya kay Jake di sana hindi nabulgar ang ginawa ni Andi. At ngayon na lumabas ang katotohanan  vindicated na si Albie. Kaya hindi mo rin sya masisi na hindi angkinin ang anak ni Andi dahil me punto naman talaga sya. At  kinumpirma pa ni Jake ang mga sinabi ni Albie noong una.

  4. PAG YAN HINDI PA RIN TUMIGIL SA KAPUTAHAN EWAN KO NA LANG. GOLLY. DIS ORAS NG GABI PURO LALAKE MGA KASAMA. MAMA MIA MAGBIBILANG NG ANAK NA WALANG TATAY.

  5. Totoo kaya yang chismax na nakita si Andi lumabas sa isang bar sa Timog na may kasamang foreigner? Pick-upan blues lang ang peg? Baka mabuntis na naman yang si Andi kung di mahigpitan ni Jaclyn ang mga lakad ng anak niya. Sayang na bata kung mapariwara lang, ke galing pa namang umarte sa KPM.

  6. lahat ng pinagsasabi n andi laban k albie non MALAKAS N SAMPAL S MUKHA N ANDI at sobrang nagboomerang s harap niya, maging c mark gil, c jackly daming pinakawalang masasakit n salita laban k albie ngayon para cilang natirador s mga nguso. biruin nyo nman nawalan ng trabaho c albie, tapos may news p akong nabasa n TODO BANTAY ANG MAG INANG ANDI AT JACKLYN para wag makapasok s network n pinagtrabahuhan nila c albie, ngayon ano napala n andi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.