Albie Casiño, puro ‘no comment’ ang alam!

PIGIL ANG pag-iyak ng comebacking sexy star na si Raja Montero habang ikinukuwento ang ginawang pagtangay ng kanyang boyfriend na si JC sa kanilang baby na si Josephine Claire na mahigit isang taon gulang pa lang nang itakas ng kanyang ama at may sakit.

March last year daw ng mawala sa kanyang piling ang kanyang pinakamamahal na anak, wala siya sa bahay kaya ang nanay niya ang nag-aalaga sa sanggol. Bumisita raw ang ama nito sa kanilang anak at doon na tinangay ang bata.

Nakipaghiwalay rito si Raja dahil wala siyang nakikitang magandang future dito dahil siya ang nagtatrabaho at bumubuhay sa kanilang anak. Masakit pa raw sa part ni Raja ang mababang tingin ni JC at ng pamilya nito dahil isa siyang hubadera, samantalang nakilala daw siya nito na ganun na ang kanyang trabaho.

Hindi naman daw porke`t sexy star siya ay ganun na siya sa sa likod ng camera, trabaho lang daw ang kanyang ginagawang pagpapakita ng katawan at iba na siya pagkatapos ng kanyang trabaho.

Nagsampa ng kasong kidnapping si Raja sa pagtangay ni JC sa anak nila, pero mag-iisang taon na ay wala pa ring nangyayari sa nasabing kaso. Pero hindi raw titigil si Raja hangga’t hindi niya nababawi ang bata, kaya nga raw nagbabagong-bihis na siya at limitado na lang ang pagpapa-sexy sa kanyang mga pelikulang gagawin para hindi na siya husgahan ng pamilya ng kanyang dating nobyo at nang mapasakanya na muli ang kanyang anak.

 

NO COMMENT dahil naka move on na raw siya, ang sagot ng isa sa cast ng Third Eye, Cassandra: Warrior Angel na from ABS-CBN ay nag-ober da bakod na rin sa TV 5 na si Albie Casiño nang matanong patungkol kay Andi Eigenmann at sa kanilang anak.

At kahit nga nang biruin siya na kamukha niya ang kanyang anak kay Andi, no comment pa rin ang sagot nito na parang until now ay ayaw pa rin yata nitong akuin ang bata.

At nang tanungin namin tungkol sa kanyang lovelife, kung meron ba siyang GF or wala, no comment pa rin ang sagot nito! At nang sabihin namin na if single siya ay maaari ba siyang manligaw sa lead actress ng show na si Eula Caballero, no comment pa rin ang isinagot nito.

Kaya naman tinapos na namin ang interview rito, dahil ‘no comment’ lang ang alam nitong isinagot. At kahit nga ang ibang press people na naimbitahan ay ganu’n din ang nakuhang sagot sa binatang ama.

 

MASAYA ANG actor na si Biboy Ramirez dahil parehong successful ang kanyang career at lovelife. Tsika nga ni Biboy na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi siya nababakante sa trabaho. Dahil after daw ng show niya sa ibang network,  kinuha siya ng TV 5 para mapasama sa second season ng Third Eye, Cassandra: Warrior Angel, kung saan ginagampanan niya ang role na pulis na may pagaka-bida-kontrabida. Sana nga raw ay magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career at lagi siyang magkaroon ng proyekto.

Naikuwento rin nito na very smooth ang itinatakbo ng relasyon nila ng kanyang 3 years GF na si Vaness Del Moral na hindi rin nababakante sa trabaho. At habang tumatagal daw ang kanilang relasyon, mas lalo pa raw nilang nakikilala  at mas lumalalim ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Hindi nga raw nila napag-uusapan lumagay sa tahimik sa ngayon dahil na rin sa marami pa raw silang gustong gawin sa kani-kanilang buhay. Happy raw sila kung ano man ang meron sila ngayon. Pero if ever daw na lalagay na siya sa tahimik, si Vaness ang gusto niyang makasama.

 

MARAMING BATIKOS ang natangap ni Kuya Germs Moreno nang ilagay niya sa kanyang Walk of Fame Philippines ang banyagang si David Pomeranz kamakailan. May mga nagsasabing dapat daw ay mga Pinoy lang na may malaking achievements ang dapat na bigyan ng Master Showman.

Pero ayon kay Kuya Germs, banyaga man si David, pusong Pinoy naman ito at mahal na mahal nito ang Pilipinas na para sa mahusay na mang-aawit ay ang kanyang second home .

Kung ilang beses na ngang pabalik-balik ng bansa si David, dahil napamahal na sa kanya ang Pilipinas at hindi daw ito magsasawang bumalik-balik sa Pilipinas para awitan ang mga Pinoy. Pakiramdam kasi niya ay Pinoy siya everytime daw na nasa Pilipinas siya.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Albie Casiño, puro ‘no comment’ ang alam!

  1. puro laoscean deep ang topic huh! 1. buhay pa pala si raja hubadera montero eh sino naman yubng jc? jc castro ba na dati ring hubadero? 2. kaya no comment na rin ang napuntahan ng career ni albie kasi puro siya no comment haha! 3. at binubuhay rin ang career ni biboy ramirez huh! majubis na ito eh, pero magpapayat ang maggym lang ito pwede pa rin naman haha! 4. di ba dapat pinoy lang ang binibigyan ng walk of fame? bakit kasali si david pomeranz? ano ba tong si kuya germs wala na rin sa wisyo haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.