Albie Casiño, kinaiisan ang sobrang kayabangan!

MARAMI ANG NAYABANGAN sa young actor na si Albie Casiño nang may lumabas na artikulo na sinabi nitong ang pamilya ni Andi Eigenmann ang kailangang lumapit sa kanila dahil ang mga ito ang may kailangan. Ito marahil ay may kaugnayan sa pagbubuntis nang maaga ni Andi na si Albie ang itinuturong ama.

Hanggang ngayon nga raw, kasi ay hindi pa rin inaako ni Albie na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi hangga’t hindi dumadaan sa DNA test ang sanggol na isisilang ng young star na magpapatunay kung kanya talaga ang bata.

Tsika nga ng mga kababaihang naimbudo sa mga na-ging pahayag ni Albie na tumahimik na lang daw dapat ito at ‘wag nang gamitin pa si Andi sa publicity ng kanyang upcoming movie na Aswang, lalo na’t naka-move on na raw si Andi at tanggap na siya lang at ang kanyang mga pamilya ang magpapalaki ng kanyang anak.

Hindi rin naman daw humihingi ng sustento si Andi at ang pamilya nito at hindi na rin daw big deal sa mga ito kung tanggapin man o hindi ni Albie ang isisilang na sanggol ni Andi. Ang mahalaga raw, masaya na si Andi, dahil na rin sa suportang nakukuha nito sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

NAGLULUKSA ANG BUONG Pamilya Revilla sa pagyao ni Ramjen Bautista Revilla or mas kilala bilang Ram Revilla sa showbiz. Malungkot nang makausap namin ang nakakabatang kapatid nito na si Joseph RJ Bautista Revilla sa sinapit ng kanyang kapatid .

Ayon kay RJ, ngayon pa lang daw sila medyo nahihimasmasan sa biglaan at ‘di magandang pagkamatay ng kanyang kapatid, lahat daw sila ay na-shock sa nangyari. Hindi raw nila matanggap ang nangyari sa kanyang kapatid na nakalagak  ang labi sa Angelus Eternal Gardens in Toclong, Imus, Cavite .

Labing-isang saksak daw ang tinamo ni Ram at isang tama ng baril. Dalawa sa saksak ang tumagos sa puso na naging dahilan ng pagkamatay ng batang Revilla. Habang nakaligtas naman ang kanilang kapatid na babae na kinidnap ng isang oras at ‘di nag-laon at pinakawalan din.

Samantalang ang GF ni Ram na ex-SCQ na nakapanabayan nina Erich Gonzales at Arron Villaflor ay sinaksak naman sa mukha at nasa ICU at medyo okey na raw ang kalagayan.

Isa lang daw ang ninanais ng pamilya Revilla ngayon, ang matukoy kung sino ang mga sa-larin at mapatawan ng kaukulang parusa sa ginawa nilang pagpatay kay Ram. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nila alam kung ano ang motibo ng pagpatay kay Ram. Pero naglalaro sa kanilang isipan na baka may kinalaman ito sa binabalak na pagpasok ni Ramjen sa pulitika o maaari rin daw na may third party involved.

ISA RAW SA dapat abangan sa indie film na Id’nal (Mapusok) ay ang isa sa mga paranormal experts ng Misteryo (GMA-7) na si Eirik Cruz.

Kung gaano raw kahinhin ni Eirik  sa Misteryo, hosted by Ryan Eigenmann, siya naman daw kabaliktaran nito sa Id’nal,  kung saan isa ito along with Karl Tiuseco (eldest brother ni JC Tiuseco) sa palaban sa maiinit at nagliliyab na eksena sa Id’nal.

Aabangan daw sa Id’nal ang ilang beses na pagsungaw ng jumbo hotdog ni Eirik at ang ‘di mabilang na laplapan at love scene nito sa ibang cast ng said film. Kahit nga raw ang director nito na si Direk GA Villafuerte ay nabigla sa sobrang pagiging game na game ni Eirik sa lahat ng maiinit na eksenang ipagawa siya.

‘Di nga raw ito nahirapang paghubarin si Eirik sa nasabing film dahil ito na raw ang kusang naghuhubad ‘pag kukunan na ang bawat love scene na kasama ito. Wala nga raw pakialam ang baguhang aktor kung ilang beses mang makita ang kanyang putotoy dahil may ipagmamalaki naman daw ito. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKaisa-isang show sa Siyete, plano nang tigbakin Claudine Barretto, tinamad nang magtrabaho?!
Next articleRam Revilla, kagimbal-gimbal ang pagkamatay!

No posts to display