Albie Casiño & Eula Caballero:
Angel of Mine!

ALBIE CASIÑO
Real Name: Alan Benedict Lee Casiño
Birthdate: May 14, 1993
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday

EULA CABALLERO
Real Name: Lou Eula May Caballero Simo
Birthdate: May 23, 1995
Zodiac Sign: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

BAGONG SALTA sa bakuran ng Singko ang controversial teen actor na si Albie Casiño. Sino ba naman ang makalilimot sa nakalolokang kinahinatnan ng kanyang love life, aber?! Buti na lang at palaging ‘no comment’ ito sa interviews kaya slowly but surely itong bumabalik sa sirkulasyon.

Pasok si Albie sa Cassandra: Warrior Angel. Ka-loveteam niya sa bagong fantaserye si Eula Caballero, na reigning TV5 Princess. Ang dalaga na kaya ang ‘anghel’ na magpapaganda ng buhay ng ating ‘misunderstood’ buddy? Well, well, well!

Steady lang ang Taurus. Hindi sila masyadong atat na umangat dahil para sa kanila, mas suwabe ang ‘slowly, but surely’ na technique dahil mas stable ito. Sa kabilang banda, ang Gemini naman ay palaging on-the-go. Hindi ito mapakali hangga’t walang nakikitang paspasang resulta lalo na kung meron silang gustong makuha. Hindi rin masyadong makaayon ang Gemini sa consistency. Madalas pa nga na may pagka-reckless ito lalo na sa mga desisyong pag-ibig.

Let’s move to the positive side! Maaakit ang Taurus sa witty side ng Gemini. Sa kabilang banda, rerespetuhin ng Gemini ang pagiging matatag ng Taurus. Magkakaroon lang sila ng problema pagda-ting sa commitment. Madalas na papalit-palit ng isip ang Gemini. Dahil dito, maaaring lumabas ang stubborn side ng Taurus. Ang pagiging restless ng Gemini ay p’wedeng makaapekto sa quiet nature ng Toro.

Kung ang Taurus ay kayang magbitiw ng desisyon mag-isa, kinakailangan ng Gemini ang opinion muna ng ibang tao. Ayaw ng Gemini na natatatali ito sa isang lugar, na p’wedeng gawin ng Taurus kapag in love. Ang pagiging seloso at possessive ng Taurus ay p’wedeng ikairita ng Gemini. In other words, p’wede itong makasira o makabuti sa pagsasama. Kung madadala sa maayos na usapan, p’wedeng maging advantage pa nga ito sa couple. Paano? Matuturuan ng Taurus ang Gemini na mag-commit, habang ipapakita naman ng Gemini na kaya namang mag-survive ng relationship kung medyo maluwag-luwag. Space and Understanding, please!

There you go! Hindi man smooth ang pagsasamang Taurus at Gemini, mukhang malaki pa rin ang tsansang mag-survive ito. Balitang single naman pareho sina Albie at Eula. Fall in love din kapag may time, ok?

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Albie Casiño & Eula Caballero:
Angel of Mine!

  1. Weh. Eh kakaanniversary lang neto ni Albie at ng girlfriend niya na newbie actress na si Dawn Jimenez. Sobrang bulgar at sweet kaya nitong dalawa sa Instagram nila. Lalo na si Albie, di mo akalain na sweet pala. At may boyfriend din etong si Eula.

Leave a Reply

Your email address will not be published.