Albie Casiño, etsa-puwera na? Andi Eigenmann, ‘di na itinago si Jake Ejercito!


 

 

SA PAGLULUNSAD NG Biblio, ang bonggang photobook ng PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan, na ginanap sa The Establishment sa The Fort noong Biyernes ng gabi, umagaw ng “eksena” ang 6 months pregnant na si Andi Eigenmann nang dumating ito.

Kakatapos pa lang ni Perry na mag-speech at i-unveil ang big frame ng Biblio (beautiful photographs ng PPL artists by Mark Nicdao), nang dumating si Andi at pinagkaguluhan siya ng lahat ng TV crew and photographers na nandoon.

Wala namang magawa si Perry dahil imbitado si Andi ng isa sa mga alaga niya, ang kuya nitong si Gabby Eigenmann.

 

Good thing at naka-rampa na ang individual PPL artists at nakapunta na sa kani-kanilang best shots na naka-frame sa photo exhibit na ‘yun, kabilang na sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann (nasa USA that night), Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Carlo Gonzales.

New addition sa PPL stable of artists ni Perry ay sina Janno Gibbs, Wendell Ramos, Rochelle Pa-ngilinan, LJ Reyes, Wilma Doesnt, at ang mestisang teener na si Max Collins.

Sina Gabby at Andi ay magkapatid sa ama. Si Gabby ay anak ni Mark Gil kay Irene Celebre, at si Andi naman ay kay Jaclyn Jose, kaya si Gabby ay tuwang-tuwa sa pagdating ng kapatid, kahit buntis.

Matatandaang kamakailan lang ay inamin na ni Andi sa kanyang personal blog at Twitter na ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ay walang iba kundi si Albie Casiño.

Bagamat buong ningning na itong inamin ni Andi sa buong mundo ay tila bale-wala ito sa rumored current boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito, ang guwapitong anak nina ex-President Joseph Estrada and Laarni Enriquez, dahil ayun si Jake at sinundo pa si Andi sa party!

Nakauwi na ang ibang press at iilang media na lang ang natira kaya wala nang TV crew ang nakakuha ng pagdating ni Jake, pero nandoon pa rin kami.

Na-witness namin ang sweetness nina Jake at Andi, inaalalayan ni lalaki si babae. Noong pagda-ting nga ni Jake ay nagtakip pa ng mukha ito nang ‘di makuhanan ng photographers, pero kinalaunan ay hindi na nagtatakip o nagtatago.

Parang sinasabi ng mga kilos ni Jake na kahit na ibang lalaki ang nakabuntis sa rumored girlfriend nito ngayon eh, walang anuman sa kanya, bagama’t wala pa rin namang konkretong pag-amin sa publiko sina Andi at Jake kung “sila na” nga ba officially o talagang magkaibigan lang.

Pumutok ang balitang buntis si Andi a few months ago at ito nga ang isa sa biggest showbiz scandals ng 2011. Sabi-sabi, nang magkahiwalay sina Andi at Albie, maaaring hindi nito alam na preggy na siya, hanggang sa naging mag-on naman umano sina Andi at Jake.

Siyanga pala, ang kikitain sa limited copies ng Biblio ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong, partikular na sa Jolo, Sulu, ganoon din sa “Para Paaralan” project ng guwapong aktor.

 

SPEAKING OF DINGDONG Dantes, offbeat pala ang role na gagampanan nito sa horror-thriller na Segunda Mano na pang-Metro Manila Film Festival Philippines ngayong December 2011, kasama si Kris Aquino for the first time.

Naka-limang revisions ang script, as in binusisi pala ito ng Star Cinema creative group, kaya na-delay nang ilang araw ang first shooting day nito kamakailan.

Knowing Direk Joyce Bernal din, she won’t settle for anything less, lalo’t first time ngang magsasama sa iisang movie sina Dingdong at Kris. At pang-MMFFP pa, na co-produ sina Dingdong (ng kanyang Agostodos Pictures) at Kris (Cinemedia) with Star Cinema. May isa pang natapos na indie movie si Dingdong, ang Dance with the Steel Bars with Hollywood star Patrick Bergin, na ang role ni Dong ay isang nakulong na dance instructor. Currently shooting din siya ng Aswang Chronicles with Lovi Poe, Joey Marquez, etc., directed by Erik Matti.

 

Photos by Rondon Gurion

loading...

9 thoughts on “Albie Casiño, etsa-puwera na? Andi Eigenmann, ‘di na itinago si Jake Ejercito!

  1. PUSTAHAN TAU KAKANTUTIN LNG NI JAKE EJERCITO C ANDI PERO I DOUBT KUNG PAPAKASALAN NYA YAN. WALANG PWEDENG MAIPAGMALAKI C ANDI BUKOD SA DI NMAN GALING SA BUENA FAMILIA, WALANG PINAG-ARALAN, LASPAG AT PINAGPARAUSAN NA NG KUNG ILANG LALAKE AT DISGRASYADA PA. AYAW LNG NI JAKE NA MABAHIRA NG INTRIGA NAME NYA KYA HINDI PA NYA PWEDENG HIWALAYAN AT ITAPON SA BASURAHAN C ANDI PERO CGURADO KO NA HINDING-HINDI NYA PAPAKASALAN C ANDI NA MAY REPUTASYON NA MALIKOT SA LALAKE. KAWAWANG ANDI KALA NYA MAKAKABINGWIT CYA NG MATABANG ISDA. BWAHAHAHHAHAHAAHA

  2. mahirap angkinin ang beybi kung alam mo namang may ibang tumikim sa gf mo. oo nga, possibleng maging kamukha ni albie ang beybi at posible ring kay jake. swertehan lang yan kung kaninong sperm cells ang nabuo. ganun lang yun… kaya sa susunod, wag patikim sa iba upang di nakakahiyang ipaangkin ang dinadala.

  3. Malalaman rin lang naman natin iyon paglabas ng bata kung si Albie ba talaga ang ama kung lumabas na hawig pinocchio nose rin yong bata at instead na iiyak yong bata right after lalabas ito from Andi, the baby will cuss instead ng dirty words like Albie sometimes does. Instead of crying for milk, the infant will say shit where’s my milk godammit!!! Sayang itong si Albie he started off on the wrong foot by being sarcastic and for cussing. Nagpaka gentleman na lang sana ito at nagpaka humble at sinabi na after the DNA kung sa kanya talaga ito, he needs to take resonsibilities dito maski hindi sila kaibigan na ni Andi just for the child’s sake. Sabagay, he is what he is maybe because of his environment and how he is raised.

  4. Pingback: Albie Casiño, etsa-puwera na? Andi Eigenmann, ‘di na itinago si Jake Ejercito! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.