Albie Casiño, ‘di na raw kailangang mag-sorry kay Jaclyn Jose!

HINDI NAGKITA sina Albie Casiño at Jaclyn Jose na ina ng ex-girlfriend ng aktor na si Andi Eigenmann kahit pareho silang naging presentor sa katatapos na PMPC Star Awards For Movies. Tanong tuloy ng press people sa binata… ano kaya kung nagkaharap sila?

“Uhm… hindi ko talaga alam,” matipid na sagot ni Albie.

Hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Andi na balitang masaya si Andi ngayon dahil may special someone diumanong nagpapasaya rito. Anong puwede niyang maging reaksiyon?

“Uhm… I’m happy for her. Good fo her. No more negative energy. That’s good for everyone.”

Mula sa bakuran ng ABS-CBN na mother studio rin ni Andi, nagdesisyon si Albie na lumipat sa TV 5. Ito kaya ay part ng pag-move one niya sa nangyari sa kanilang dalawa at sa hindi pa rin maayos na situwasyon nila hanggang ngayon?

“Uhm… hindi naman.”

Ayaw na niyang may kung anumang kuneksiyon pa sa kanila ni Andi kaya ginusto niyang sa ibang network na lang siya?

“Hindi naman din. Uhm… if that’s what’s best for everyone.”

Pero kung sa kanya lang, gusto ba niyang maayos na kung anuman ‘yong gusot o mga unresolve issues at problema sa pagitan nila ni Andi? O kahit ‘yong sama ng loob din sa kanya ni Jaclyn na ina ni Andi?

“Honestly, I think I have made an effort to do that. And I heard Andi naman is happy now. So I don’t think there’s any need to… grow the fire.”

May pahayag si Jaclyn na bilang isang nanay raw, ang sakit for her ‘yong nangyari kina Albie at Andi. Na parang pinabayaan na lang daw ni Albie si Andi nang nabuntis niya at hanggang sa nakapanganak na nga ito. Naiintindihan ba niya ang pinanggagalingan ni Jaclyn bilang isang ina?

“Of course. Like any mother would.”

Is he willing to make a move na makapag-usap sila ni Jaclyn at makapag-apologize  para sa mga ikinasama ng loob nito sa kanya?

“A… honestly I don’t know the answer to that question. Sorry. But, uhm… if you ask me, I’d like to apologize, I feel I already had. And if ever, I won’t feel the need to do so again. Because I already had.”

Gusto ba niyang makita ‘yong baby? O hindi na lang?

“No comment!” pag-iwas niya.

 

KAPANSIN-PANSIN NA tila nababa-got at nakasimangot na ang baguhang si Dawn Balagot na in-escort-an ni Albie. Isa ito sa nominees bilang New Movie Actress of the Year kung saan nag-tie bilang winner sina Tippy dos Santos at Kim Komatsu.

Panay ang hila nito kay Albie. Na natigil lang nang nakiusap ang mga miyembro ng media na kung puwede ay patapusin muna ang interview sa aktor.

Girlfriend ba niya ang Dawn na ito?

“Oh no. She’s my co-star in the movie where she’s nominated for,” aniya na ang tinutukoy ay ang indie film na The Animals.

How is he nowadays?

“Very good!”

Is he inlove?

“No. Not really. I’m just testing pa.”

Kumusta na pala ‘yong case ng pambubugbog sa kanya ng mga kaibigan ni Andi na napabalitang nangyari no’ng minsang nagkita-kita sila sa isang bar? Nagkaaregluhan na ba?

“Uhm… there’s no need to talk about that anymore. Dahil tapos na siya.”

Hindi na nila itinuloy ang pag-pursue sa pag-file ng kaso?

“That’s up to my dad and my lawyers to talk about that. So I’ll stay out of that.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

2 thoughts on “Albie Casiño, ‘di na raw kailangang mag-sorry kay Jaclyn Jose!

  1. NAKU MAY BAGO NA NAMAN BANG PROSPECT SI ALBIE? BUBUNTISIN NA NAMAN NIYA YAN HAHAHAHAHAA! KAWAWA NAMAN SI BALAGOT EK EK NA YAN KUNG TOTOO ANG TSISMIS NA SILA HUH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.