Albie Casiño, banta sa tambalang James Reid at Nadine Lustre

Albie-CasinoIBA ANG angas ng guwapo, macho, at tindig siga na ni Albie Casiño sa bagong romcom-serye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na On the Wings of Love na nagsimula last week. Ang lakas ng dating niya na malamang sa hindi, kapag mahina-hina ang pundasyon ng tambalang Jadine (James Reid at Nadine Lustre), baka makasingit ang binata.

Ang lakas ng presence ni Albie sa OTWOL kaya hindi ako magtataka kung nabaliw-baliw si Andi Eigenmann sa kanya na until now, hindi pa rin maka-move-on ang young actress at binabalik-balikan pa rin ang isyu nilang dalawa, kung saan ang anak ni Andi ay sinasabing si Albie diumano ang ama.

Kaya pala nawala for a while ang binata ay dahil nag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral sa St. Benilde, ‘yong kolehiyo na katapat ng DLSU, kung saan nasa 3rd year college na siya.

“I’ve learned and realized a lot of things when I decided to slow-down in showbiz,” kuwento niya.

Basta for me, positive at good vibes lang for Albie. Let’s give him another chance basta iwas na lang muna sa mga babae (alam mo na!). With Albie’s kaseksihan, swak na swak siya. We need actors like him.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDesiree del Valle, emotional sa pagtatapos ng serye sa Dos
Next articleMegan Young at Tom Rodriguez, ayaw makumpara ang remake nila ng serye sa ibang bersyon

No posts to display