Albie Casiño’s career was affected by Andi Eigenmann’s pregnancy; young actor’s always drunk?

NAGUGULO NA RIN ang pananahimik ngayon ng young actor na si Albie Casiño dahil sa kontrobersiya nila ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann. Nalagay sa alanganin ang nakatakdang pagsikat ng bagets sa panahong pinag-uusapan siya dahil sa maganda niyang role sa nagtapos na teleseryeng Mara Clara. Kasi nga, biglang nabulgar na ilang ulit diumano niyang nasampal ang anak ni Jaclyn Jose nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Ngayon naman, nagsisimula nang mawalan ng proyekto si Albie dahil sa epekto ng mainit na isyu sa pagbubuntis ni Andi. Kasi nga, isa siya sa matin-ding pinaghihinalaan, na kung hindi si Jake Ejercito ang daddy ng ipinagbubuntis ni Andi, ay baka si Albie nga raw, dahil siya ang napabalitang unang boyfriend ng anak ni Mark Gil. Parang parusa raw kay Albie na dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya, hindi muna siya bibigyan ng mga bagong proyekto, katulad ng mga naunang plano para sa kanya.

Hindi maipagtanggol ni Albie ang kanyang sarili, dahil mas pinipili muna niya at ng kanyang pamilya na manahimik tungkol sa isyu. Hindi pa rin naman kumpirmado sa ngayon na siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi. Naging mailap na si Albie sa press, dahil nag-iingat lang siya na mas lalo pang lumaki ang intriga kung magsasalita siya.  Malungkot na malungkot daw ang young actor, dahil ang gusto lang naman niya ay magtrabaho at patunayan ang kanyang talent. Negatibo na ang huling balita tungkol sa kanya, na diumano’y lagi na siyang lasing sa pag-inom ng alak.

MAGANDA ANG PAKIKIPAG-RELASYON ni Judy Ann Santos sa mga tao at kumpanyang nagbibi-gay sa kanya ng mga proyekto, kaya kahit saang network siya mapunta kung sakali, isa iyong masayang karanasan sa trabaho para sa kanya.  Kaya lang, may kontrata pa siya sa ABS-CBN, kaya walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang lilipat na raw siya ng network. Lumutang kasi ang tsismis, na baka lumipat siya ng TV5.

Ilang ulit nang natsismis si Juday na baka lumipat sa Singko, dahil lagi siyang napagkikita roon. Hindi naman kasi iyon nakapagtataka, dahil mayroong programa roon ang kanyang husband na si Ryan Agoncillo, ang Talentadong Pinoy. Kapag may libreng oras ang young superstar, sumasama siya minsan kay Ryan. Tauhan din ng Kapatid Network ang talent manager ni Ryan na si Mr. Noel Ferrer, at sobrang okey ang kanilang samahan, kaya napagdududahan na baka kung libre na ang anak ni Mommy Carol Santos sa kontrata niya sa ABS ay maikakasa na siya sa TV5.

Hindi lang naman sa TV5 pupuwede si Judy Ann, dahil malapit din naman siya sa mga bossing d’yan sa GMA-7. Aminado naman ang wife ni Ryan ganu’n din ang kanyang talent manager na si Tito Alfie Lorenzo, na kung matetengga ang career ni Juday ay kailangan din naman siyempreng magkaroon ng magandang plano tungkol sa pakikipagtrabaho sa ibang kumpanya.  Pero ang maganda naman sa ABS ay inaagapan nilang papirmahin si Juday ng panibagong kontrata kapag lumalabas na ang mga intriga, na kapag papatapos na siya sa Dos ay inaabangan na siya ng ibang network para aluking pumirma ng kontrata sa kanila.

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY sa aming Kapamilya sa Philippine Movie Press Club, na si Ate Mercy Lejarde. Bagets pa lang ako ay nababasa ko na sa mga dyaryo at fan magazines ang mga sinusulat ni Ate Mercy. Nang maging writer na rin ako, ay nagkasama kami sa PMPC at mabait siya sa akin. Ang hindi ko makakalimutan kay Ate Mercy, kapag pasaway ang kanyang bagets na apo na si John-John, tinatawagan niya ako sa cellphone, ipinapakausap niya sa akin ‘yung bata, at sa tono ng acting ni Ate Guy (Nora Aunor) na ginagaya ko ay tinatakot ko siya kunwari. Nagbe-behave daw ang bata.  Gamitin ba akong panakot?

Labyu, Ate Mercy!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleAnne Curtis rode MRT all the way to Kylie Minogue’s concert!
Next articleLABOR PAINS

No posts to display