Albert Martinez & Yen Santos: I’m Giving You All of Me

Albert-Martinez-Yen-SantosALBERT MARTINEZ
Real Name: Albert Rivera Martinez
Birthdate: April 19, 1961
Zodiac Sign: Aries

YEN SANTOS
Real Name: Lilieyen Santos
Birthdate: November 20, 1992
Zodiac Sign: Scorpio

DESPITE THEIR 31-year gap, hindi maipagkakaila na nag-uumapaw ang chemistry sa pagitan nina Albert Martinez at Yen Santos sa programang ‘All of Me’ ng Dos. Sa katunayan nga, marami ang natuwa nang bumalik ang ‘true Manuel’ sa serye dahil kahit guwaping at bagets si JM de Guzman, mas may kilig factor ang ‘AlYen’.

In real-life ay biyudo na si Albert at si Yen naman ay wala pa talagang steady na dyowa. Is there a chance na from ‘reel’ ay maging ‘real’ ang pagsasama ng dalawang hot stars?

Very passionate ang Aries at Scorpio, pero nag-i-stand out din sila as individuals. Gusto nilang tahakin ang tamang landas at hindi sila nagpapaapi sa iba. Sa aspetong emosyonal lang magkasalungat ang dalawa: Dapat maramdaman ng Scorpio na laging nand’yan physically ang ka-partner o gusto nitong laging nararamdaman na mahal siya. Ang Aries naman ay medyo ilang sa ganitong set-up. Mas gusto niya na may konting space sa pagitan ng iniirog.

Isa rin sa puwedeng maging problema ng dalawa ay ang pag-aaway. Madaling makalimot at maka-move on ang Aries, habang ang Scorpio naman ay may tendency na magtanim ng galit at ‘forgive, but never forget’ ang motto nito. Ang maganda sa tambalan na ito ay ang kanilang teamwork. Mahuhumaling ang Scorpio sa pagiging agresibo ni Aries habang hindi naman kukuwestiyunin ng isa ang diskarte ng ka-partner.

Ang kumpyansa sa sarili at ability to hold power ang pangunahing pang-akit ng lalaking Aries sa babaeng Scorpio. Para sa babae, ito ay very thrilling and adventurous! With all that spark, kailangan pa rin nilang mag-adjust in terms of basic personality differences. Ang pagiging misteryosa rin ng girl ang mag-eengganyo sa lalaki to go and pursue her more despite the possible troubles. Respeto lang ‘yan!

Well… potential lifetime partnership here!! If ever pala ay hindi lang sa telebisyon bongga ang samahang Albert at Yen! May awkward factor man sa umpisa ang relasyong ito dahil sa age difference, their passion is enough to make them give everything they’ve got for each other. Kung sina Bossing at Poleng nga, na-prove na kayang-kaya ang ganitong relasyon… Albert at Yen pa kaya? Go! Push!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.