Albert Martinez at Liezl Martinez, malaki ang pananagutan sa inaasal ng anak

KUNG TUTUUSIN, SIMPLENG tampuhan lang ang namamagitan kina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez, if not a non-issue that should find its way out of the public consciousness.

Unang eksena: Sa studio ng Party Pilipinas. Heart walked in, saw Raymond in a huddle with another person, tapped the latter’s shoulder as a sign of greeting. Nu’ng akmang lilingunin na raw ni Raymond si Heart to acknowledge her gesture, nakalayo na ito.

Sumunod na eksena: Sa studio ng Showbiz Central. Binati o nginitian daw ni Raymond si Heart, but the latter did not smile back.

On both instances, inakala nina Heart at Raymond na inisnab nila ang isa’t isa. Puwede kasing isipin that tension still grips the Evangelista-Gutierrez over Heart’s withdrawal from Annabelle Rama’s management agency.

Nagpaliwanag na si Heart sa Tweetbiz via a phone patch interview nitong Martes, so did Raymond the following episode. Kapwa may punto ang dalawa, no need to take either side. Ganoon na lang marahil ang kanilang somewhat hurt feelings, after all, theirs was like a sibling friendship during their happier times.

MALAKI ANG PANANAGUTAN ng mag-asawang Albert at Liezl Martinez whose son Alfonso is now the target of negative publicity dahil sa itinweet nito tungkol sa pagiging “stupid” ng pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To).

Bagama’t through text ay nilinaw na with her reporter-friends ni Liezl ang isyu, nagmarka na sa publiko ang: 1) kawalan ng kagandahang-asal ng anak; at 2) ang ‘di nito pagtanggap sa pagkatalo ng ama sa nakaraang MMFF awards night.

Such language (that begins with “What the f…ck) is only reflective of how Alfonso was brought up by his parents at kung ano ang natutunan nito sa paaralan, kung meron man. Formation of values starts at home through parental nourishment and is enhanced in school. Obviously, kapos si Alfonso ng mga elementong ito that backfires at the parenting style of Albert and Liezl, sad to say.

Even more ironic is the completeness and strength of Albert’s family, na nakukuha pa ngang magpakatatag during Liezl’s battle with breast cancer. But with Alfonso’s behaviour, it’s even worse than a terminal disease that has killed the Martinez’s reputation!

Ito naman ang puwedeng ipagmalaki ni Ai-Ai de las Alas sa kanyang pamilya, ma-respeto ang kanyang tatlong anak sa kabila ng kakulangan in their household, that is, a father figure.

Kung sa bagay, a mango tree does not bear guavas.

IN FAIRNESS TO Rosanna Roces, tinanghal siyang Best Actress sa Dinagyang Film Festival (in Iloilo) many years ago for her performance in Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin. ‘Yun nga lang, for some reason, hindi niya personal na tinanggap ang tropeo.

But a trophy—I believe—does not just come in a sculptured piece made of wood or metal, or a combination of both. Puwede rin kasi itong maging “abstract token” as in the form of trust na ipinagkatiwala sa kanya noon ng kaibigang Dra. Vicki Belo na ginampanan niya sa Magpakailanman.

Tulad ng tiwalang ipinagkaloob ni Vicki kay Osang, it’s now the latter’s turn to accord the same confidence to Katherine Luna na gaganap  naman bilang Rosanna Roces sa Star Confessions ng TV5, tuwing Miyerkules ng gabi. Kamakailan, nagwagi bilang Best Actress si Katherine sa isang film festival in Thailand.

Hosted by dear friend Cristy Fermin, ewan kung hanggang saan ang partisipasyon ng Paparazzi host sa pagbabalangkas ng buhay ni Osang, herself (Cristy) an off-and-on friend ni Osang. Back in our Mariposa Publications years, pinasikat ng mga lathalain nitong magasin ang tungkol sa Bruneiyuki isyu kung saan sangkot si Jennifer Adriano alias Hazel, who was later screennamed Ana Maceda, only to be rechristened Rosanna Roces.

Walang kuwestiyon sa acting ni Katherine, she’s an underrated actress too big for small acting breaks coming her way. But a “sanitized” version of Osang’s life on TV would amount to fiction.

INTERNATIONAL POP PUNK band Yellowcard goes live in Manila on February 20, 2011 at A. Venue. This will only be their sea country stop in their world tour. Para sa mga fans ng Yellowcard, you can buy your tickets from any Ticketworld outlets.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

19 thoughts on “Albert Martinez at Liezl Martinez, malaki ang pananagutan sa inaasal ng anak

  1. ang OA nmn… masasabi mo bang mggnda ang mga sinasalita mo sa bagay bagay? hnd nmn sa lahat dba. ngkataon lng na anak sya ng artista. EPIC FAIL.

  2. hoy me karapatang magbigay ng kaniyang opinion si alfonso martinez talagang maganda naman ang movie ‘Rosario’ pero talagang me “politika “sa award body kaya hindi ito nabigyang pansin. ang lupit ninyo magalit kay alfonso, nagbigay lang ng kaniyang opinion noh! mga bayaran ba kayong tagapagtanggol ng “imitation superstar”!

  3. Alfonso is just honest di pashowbiz………..Some people may appear educated, but deep inside mga masasama ang ugali……..Alfonso isn’t to be blame. Honesty is the best policy and honest lang siya.

  4. GAGO KA PALANG BAKLANG RONNIE KA EH.. DI LAHAT NG MALI NG ISANG TAO AY PWEDE ISISI SA MAGULANG. KUNG GANYAN ANG KATWIRAN MO, PWEDE RIN NMIN PALANG SABIHIN NA WALA DIN KWENTA ANG MAGULANG MO DAHIL DI MAGANDA ANG BREEDING MO. HARHARHAR..

  5. I am glad Alfonso Martinez say what he has to say…this generation is different, they don’t skirt around just because somebdy is a DIRECTOR, director of what? Magaling bang director ‘to? A period piece versus a comedy that does not make quite sense except for the word “INA” gullible na ang tao. If you happen to read the title fast enough, it sounds as if someone is ngamumura– I am sure his grandmother veteran actress Amalia Fuentes thinks the same way too! As we all know her, she has no qualms about stepping someone’s toes if needed be. Good job Alfonso! I am on your side.

  6. I AGREE,,..EDUKADO,SMART,,SENSIBLE,,,SINCERE AT MATAPANG ,,YAN SI ALFONSO MARTINEZ,,WE LOVE HIM NOW,,,OPINION NYA IYON,,DAPAT RESPETUHIN,,OK,,SA TOTOO LANG NAMAN,,,PARE PAREHO NALANG ANG DATING AT TEMA NG MOVIE NI WENN DERAMAS,,,SA TOTOO LANG,,AS IN!!!IBA LANG CASTING,,PERO MAAYOS NAMAN PAGKAGAWA,,KAYA LANG WALANG BAGO,,YUN LANG!!

  7. alam nyo po,,mabubuting tao at may breeding mga anak ni liezl at albert,,WE MUST RESPECT ALFONSO`S OPINION,,,SA TOTOO LANG NAMAN,,BAKIT KASE DI NANOMINATE MAN LANG ANG ROSARIO INTO BEST ACTRESS AT BEST DIRECTOR,,,E,,I WATCHED THE MOVIE NAMAN,,,SUPER GANDA AT MAAYOS NAMAN,,,I BLIV BAKA SA IBANG ACTING AWARD GIVING BODOES ITO MANOMINATE,,,HINDI NAMAN SA GANITONG KOMNETO NI ALFONSO E SINUSUKAT KUNG PAANO SYA NAPALAKI NG MAGULANG NYA,,IN FACT,,,HES SMART,INDEPENDENT MIND AT SA EDA DN AYAN,,TLAGANG HE CAN STAND TO WAT HE BELIEVING,..WAG NG PALAKIHIN ITO,,,TAPOS,,AKO NAMAN,,MASASABI KONG AIAI DESERVED THE BEST ACTRESS KASE MAGALING DIN SYA,,,PERO SI JENYLYN MWERCADO,DESERVED A NOMINATION AT MAGING SI ALBERT MARTINEZ AS DIRECTOR,,PERO DAHIL DI NANGYARI,,MOVING ON NAPO TAYO,,THATS LIFE!!GOD KNOWS NAMAN E,,..EDUKADO MGA ANAK NI ALBERT AT LIEZL,,AT MAGANDA ANG PAGPAPALAKI,,OK NAMAN NA DIRECTOR SI WENN DERAMAS,,KAYA LANG,,HALOS NAMAN TLAGA SA MGA MOVIE NITO,,ULIT ULIT PAREPAREHO NALANG ANG DATING AT TEMA,,,COMEDY,,WID SAME CONCEPT,,WALANG MALALIM,,WELLL,,,MOVING ON,,

  8. Carrasco, your statement that ” A Mango tree does not bear Guavas ” is an insinuation that Liezl ang Albert have poor parenting style. This is below the belt. The kid’s behaviour does not necessarily reflect those of the parents.
    There are a lot of personalities here in the US whose children’s behaviour are unacceptable. President Bush’s twin daughters are a perfect example. Both got drunk on a spring break. made an ass of themselves, caught saying the four letter word, BUT PEOPLE HERE DID NOT CONDEMN THE PRESIDENT AND BLAMED HIM FOR POOR PARENTING. . . . AND BY THE WAY, CARRASCO, I RECOMMEND ENGLISH 101. YOU SURE NEED IT. TATAGALUGIN KO. PAIKOT IKOT AND ENGLISH MO KUNO, PERO WALANG KAWAWAAN, ANG HIRAP INTINDIHIN. AT SAKA NAKAKATAWA NAMAN NA GINAMIT MO PA ANG MANGGA AT BAYABAS SA EXAMPLE MO. ININGLES MO LANG ANG KASABIHAN (GAYA GAYA KA) AT PINALITAN MO ANG APPLES AND ORANGES. WRITER KA BA TALAGA?

    • Agree ako sa sinasabi mong ang behavior ng mga anak does not necessarily reflect those of the parents. This writer should know this. And I can give you an example of myself. We have two children, the older child graduated Magna Cum Laude and very successful na sya ngayon and is making very good money and this older child never gave us problems while growing up. My younger child is very kind, sweet, loving and very helpful but my younger child gave us so many problems including trouble with the law growing up even with constant supervision from us and unconditional love and all the help we gave to our younger child and up till now our younger child has a very pathetic life. So does that mean that we are bad parents because our younger child made the wrong turn in life? Mr. Writer you probably would!!! But wait, we also have an older child who is very successful in life, does this mean that we are still bad parents then? No! A Big No! Children make their choices in life and parents have nothing to do with their choices. You can only guide your kids so much and after that, they make their decisions whether the parents agree or not. Kaya it is very dumb to associate parents for whatever wrongdoings their children make. Every person is an individual at maski how good a parent you are if you have a child na gusto lang magluko, hindi yon ma control sa parents. Just take my case, my older son is successful and my younger son is so messed up. Would you call me a bad mother then even when I have a very successful older son? Nakakaluka!

      • ….open book kana dito ,pero gusto ko nyan hindi masama….totoong totoo ka….dapat pala ate Maria.

      • Exile totoo talaga ang sinabi ko sa anak kong ikalawa, ang tagal ng panahon pinasensyahan namin siya, with all the money we spent on counseling, rehab, unconditional love we gave him, we supported him thru thick and thin at dami ng kaibigan namin sinabihan kami na it's time to kick him out of the house na daw kasi matured na daw siya pero hindi pa namin kaya kasi we are hoping na maiba pa siya kasi may mga relatives itong hubby ko na ganoon din pero they changed so we are still hoping that our younger son will change. Ang older son namin napaka super mabait. Ayaw daw nya ng Americana na girlfriend kasi daw very western daw ang nalakihan na ugali, gusto daw nya ng wholesome with good moral values at God fearing daw kasi para daw mapamana daw nito ang ganitong ugali sa mga anak in the future. Exile napaka kuripot nitong older child ko pero kung birthday ko bibilhan nya ako ng jewelry na hindi ko type kasi ang pangit, pero sabi ng husband ko the important thing daw is the thought and love that counts pero sinabi ko sa husband ko nakakahiya naman isoot kasi ang laki at para tuloy akong naglakad na ipinagmalaki na hito ako hoy!~ ha! ha! ha! :). Mahiya ako. Yong husband ko ako daw ang nagpatagal ng buhay nya kasi whatever comes from my mouth he said it's funny daw. But going back to my younger son, I still love my younger son and if i have the chance to redo my life, I would still choose him as my younger son and i will not change a thing of my life. Oo nga pala ano? Open book na pala ako dito pero sigi lang. Kaya sometimes hindi ako matanggap kaagad kung mag apply ako ng trabaho kasi sabi daw ng husband ko sobra daw akong honest like yong tinanong ako ng employer during an interview if i ever had a problem with co-workers in the past. I answered the employer "Of Course!" I told the employer "wherever you go you meet people all the time that you don't agree with and I'm not sitting here in front of you pretending I did not because I have been in the past" And that's the end of that, I never got the job. My husband told me that the right answer would have been "I'm a very patient and tolerant person and you cannot avoid meeting people who you don't like but for as long as you are open minded and have patience and tolerance with people and issues, you will get along wherever you go". Yon ang sabi ng husband ko na dapat ko daw sinabi. I said whatever, so heto ako ngayon jobless, still looking for a job. he!he!he! :)

      • …`te ,yung ring na regalo sayo ng anak mo ,`wag mong isuot pag nagpunta ka sa pinas…kase baka mawalan ka ng daliri dahil may PIRANHA dun….joke!!!

      • Exile, hindi ring ang regalo ng anak ko sa akin, murahing earrings lang na 10karat gold lang, very faded na gold ang kulay kaya hindi ko sinuot kasi 1 1/2 inch round ang laki ng earring, cheap tingnan at mahiya akong isoot dahil sa laki ng size nya na parang ewan ko ba, nung isinuot ko one time just to please my son, binibiro ako ng mga kaibigan kong pinay dito na "ang laki teh, parang kang puta mo tingnan ha!ha! ha! :)" So hindi ko na sinuot.

  9. to the writer, wag naman po tayo masyadong judgemental kung paano pinalaki nina albert at liezel ang anak nila. maaaring in a way may pagkukulang din sila pero dahil unang-una sa panahon ngayon, napakaraming bagay na ang pwedeng makaapekto sa mga anak. andyan na ang internet, barkada, mga shows, movies na nakaka impluwensiya sa mga bata! hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayang kontrolin or imonitor ng magulang ang ginagawa ng anak nila. at sa mga ganitong bagay, napi-feed ang mga bata ng maling kaisipan or kaugalian na hindi naman gugustuhin ng magulang kaya minsan mahirap din ibato ang sisi sa magulang. at sa tingin ko nagpaapekto lang si Alfonso sa nararamdaman niya at bilang anak ay nakisimpatiya siya sa sitwasyon ng ama niya. hindi ko rin alam kung paano pinalaki nila albert at liezel ang mga anak nila pero huwag muna natin silang husgahan dahil hindi madali ang magpalaki ng anak. Peace! God bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published.