Alaskador, Tinuhog ng Screw Driver

NASA KRITIKAL na kundis-yon ang isang alaskador matapos pagtutusukin ng screw driver ng kapit-bahay na madalas alaskahin ng una sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tusok ng screw driver sa katawan si Edner Suerte, 35, ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Manuel Apili, 18, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-11:45 ng gabi, inaalaska ng biktima ang suspek sa nasabing lugar.

Napikon ang suspek at kumuha ng screw driver at pinagtutusok ang biktima.

Dinala ang biktima sa TMC habang nadakip ang suspek na sinabing palagi siyang inaalaska ng biktima kung kaya nagawang pagtutusukin ang una.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.