Sports Buzz: Alaska at Ginebra, magpapalitan ng players?!

HOW TRUE KAYA ang kumakalat na balitang may namumuong trade between Alaska Aces at Bgry. Ginebra? Ang involved daw dito ay si Cyrus Baguio ng Gin kings at si Willie Miller ng Aces. Bakit naman kaya lumalabas ang balitang ito gayong pawang magaganda naman ang ipinakikita nina Miller at Baguio sa kani-kaniyang team. Well, let’s wait and see kung matutuloy ang usaping ito kasi hindi lalabas ang apoy kung walang usok na panggagalingan.

Si Cyrus ay dating Air21 Express, dahil sa kailangan ng Brgy. Ginebra ang kalibre nito ay tinreyd siya sa Ginebra. Eh, bakit ngayon ay ililipat na naman siya sa ibang team. May nakausap kami sa Brgy .Ginebra na pinabulaanan naman ang balitang ito. Hindi kaya ang dahilan ng trade kay Baguio ay dahil sa mawawalan siya ng break. Kasi nga, kaparehas niya ng laro itong si Rudy Hatfield na balik-Ginebra na. Abangan natin.

KALA N’YO, PANG-BASKETBALL lang ang mga players natin, ano? Tingnan naman ninyo ang mga wankata nina Garry David , Mark Macapagal, Francis Allera, at RJ Rizada… puwedeng-puwede na silang bold actor, huh! Ano ang panama ng katawan ng mga actors na sina Richard Gomez, Cesar Montano, Paolo Bediones at Dindong Dantes sa kanila, ‘di ba?

Malamang hindi na nila papasukin si Mr. Tony Lu sa dug-out, kasi makikita nila ang kuha rito sa Pinoy Parazzi. Ha-ha-ha!

SILIPIN NATIN ‘YUNG wife ni Dorian Pena. ‘Di ba maganda rin siya tulad ng mga nailabas natin nu’ng nakaraang column? Gaya rin nitong Gf ni Alex Cabagnot na Farinas din. Mga tisayin ang mga asawa’t nobya  ng mga players na nabanggit namin dito.

Malou Aquino
Pinoy Parazzi

loading...

2 thoughts on “Sports Buzz: Alaska at Ginebra, magpapalitan ng players?!

  1. lugi , cyrus lang para kay miller ? isang malaking kalokohan .

    22o ang balita ,

    matatanggap pa nmin kung dalawa ang kapalit ng 2 YIME MVP , eh isa lang at c cyrus lang ? dapat nga tatlo .

    hayz ……………

Leave a Reply

Your email address will not be published.