Alapag at Dillinger ng TNT, Kinasuhan ng BIR

KINASUHAN NG Tax Evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang players ng Philippine Basketball Association (PBA).

Kabilang dito sina Jim Olmedo Alapag at Jared Ryan Dillinger na pawang nagmula sa koponan ng Talk N Text.

Sinabi ng BIR na umabot sa P4 milyon ang kinita ni Alapag mula sa PLDT noong 2007 at P8.77 milyon naman mula sa Smart hanggang noong 2012.

Sa kabuuang professional career nito bilang basketbolista, nasa P32.28 milyon anila ang kinita nito.

Pero lumitaw sa pagsisiyasat  ng kawanihan na nabigong maghain ng income tax return (ITR) si Alapag mula 2007 hanggang 2012 at ng value added tax return mula 2007 hanggang 2012, kaya umaabot sa P17.86 milyon ang tax deficiency nito.

Samantala, si Dillinger ay kumita ng P694,000 mula sa PLDT noong 2008 at P6.48 milyon mula sa Smart hanggang noong 2012.

Nabatid naman na u-mabot sa P22.19 milyon ang kinita nito sa buong career.

Pero tulad ni Alapag, nabigo si Dillinger na maghain ng ITR mula 2008 hanggang 2011, percentage tax return noong 2008 at ng value added tax return mula 2009 hanggang 2012.

Sa ngayon, lumilitaw rin na P13.37 milyon ang tax deficiency ng basketbolista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.