Alang-alang sa kanilang anak
Patrick Garcia, naghihintay lang ng tiyempo para makipag-ayos kay Jennylyn Mercado

PATRICK GARCIA recently announced that he will soon become a father the second time around because his non-showbiz girlfriend is now several months pregnant. “Yes it’s true. My girlfriend is now pregnant and we’re happily expecting a baby girl. It was never a secret. I just don’t talk about it because I like my private life to be private,” he said.

Dahil sa ginawang pag-amin ni Patrick ay muling nabuksan ang hindi masara-saradong isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Jennylyn Mercado whom he has a kid, Alex Jazz. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko that they are still not in good terms with each other.

Ayon kay Patrick, kahit na magkakaroon uli siya ng anak ay susuportahan pa rin niya si Jazz. Nagkaroon daw sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Jennylyn because of Patrick’s lack of financial support to his son. “Pero feeling niya siguro I was really holding back because hindi ako nakapagbigay ng two months. Pero noong third month nakapagbigay ako pero nangyari na lahat ng mga iyon,” kuwento niya during the presscon of his newest ABS-CBN teleserye Apoy sa Dagat.

Sa kabila ng lahat, Patrick is still happy to have spent Christmas with his son. He sent a text message to Jennylyn’s adoptive mother Lydia at pinayagan daw siya nito na bisitahin ang kanyang anak. “She spoke to me na hindi alam ni Jen pero Tita Lydia is honest naman so afterwards sinabi rin niya kay Jen na nagpunta ako roon which is the right thing to do.”

Pinayuhan rin daw siya nito na ayusin nila ni Jennylyn ang anumang di nila pagkakaunawaan alang-alang sa kanilang anak. Patrick is now waiting for the right time to talk to Jennylyn. “Kung wala na siyang masyadong galit or whatever. I think naman Jen is a grown up to know that I’m still the father of Jazz and one day her heart will soften and allow me to see my son again.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Alang-alang sa kanilang anak
Patrick Garcia, naghihintay lang ng tiyempo para makipag-ayos kay Jennylyn Mercado

  1. hay naku si patrick kahit kailan di tinama ang buhay nya! respect na lang sana sa mother ng anak mo na nagpapakahirap buhayin at mabigay ang magandang buhay na hindi mo maibigay dahil sa lifestyle mo, tpos ngayon me bago na naman magiging anak! napaka ungentleman mo naman para magsalita ng ganyan.. Grow up ka na tanda mo na eh 

  2. sa tingin ko malabo ng mag kaayos ang dalawang ito!!!! kung ano ano na kasi ang mga pinag sasabi ni mother ng lalaki sa IG account nya pati ang mga pinadala nilang sustento n 30000 noong sept.2012 eh pnangalandakan imbes na xa ang gumawa ng paraan na mag kaayos ang ina at ama ng apo nya ginatungan pa nya kaya lalong nag kagulo!!!! pro ang alam ko born christian sla pro nagagawa niyang sbhin ang gnung mga salita….cgurro naman nag babible study ang mga yan kulang ata sa pangaral ng pastor nla….kristiyano lang siya sa bibig wala sa gawa….sbi nga kung sino ang walang kasalanan xa ang unang bumato ng bato…cguro nkpag unahan c bing bumato kc ang linis linis nya walang bahid kasalanan 

Leave a Reply

Your email address will not be published.