Alang-alang sa kanilang anak
Jodi Sta. Maria, may komunikasyon pa rin ex-husband

NAKABALIK NA sa bansa mula sa kanilang successful US at Canada Tour ang cast ng hit television series na Be Careful With My Heart sa pangunguna nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Kuwento ni Jodi, “Kababalik lang namin. Galing kami ng LA, Florida, Toronto, and Edmonton. Sobra tayong tinanggap ng mga kababayan natin doon. Sobrang happy.”

Jodi has many reasons to be happy these days. Maliban kasi sa kanyang successful career ay maganda rin ang takbo ng kanyang lovelife. Mukhang mas bukas na sila ni Cavite Vice Governor-elect Jolo Revilla sa kanilang relasyon kaya naman marami ang naghihintay kung kailan nila ia-announce ang kanilang kasal.

“Ako naman sa totoo lang [ay] nagpapasalamt kay Jodi dahil kasama siya sa victory na ito. Nakita ko naman iyong pagsuporta niya sa akin,” sabi ni Jolo when he was spotted by The Buzz during his proclamation.

Jolo recently tweeted Jodi with the message, “Please call me love” na may sad face. Patunay lang ito na hindi na nila itinatago ang kanilang relasyon sa publiko. Hindi ba’t dati naman ay tinawag ni Jolo ng ‘love’ si Jodi at sinabihan pa ito ng ‘love yah’ sa Twitter?

Gaya ng madalas kong sabihin, you have to read between the lines sa mga binibitiwang pahayag ng mga tao dahil ayon nga sa kasabihan, “Action speaks louder than words.”

Meanwhile, Jodi’s marriage annulment with former husband Pampi Lacson is ongoing. Kung nakahanap na ng bagong pag-ibig si Jodi ay ganoon din naman si Pampi sa katauhan ni Iwa Moto.

Pero hiwalay man sina Jodi at Pampi ay may komunikasyon pa rin sila alang-alang sa kanilang anak na si Thirdy. “I would say na civil kami ngayon. We have to be civil for our child. If there’s anything na pinag-uusapan namin, it’s about Thirdy. Basta anything na tungkol sa welfare niya, sa school niya, iyon ang pag-uusapan namin,” kuwento ni Jodi during the presscon of her product endorsement.

“We don’t have to be friends but we have to be the best parents that we can be for our child. Basta tungkol lang sa bata.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

One thought on “Alang-alang sa kanilang anak
Jodi Sta. Maria, may komunikasyon pa rin ex-husband

Leave a Reply

Your email address will not be published.