Alam daw kasi niyang iisnabin lang John Estrada, ‘di kukuning ninong ng anak si Willie Revillame!

IBA ANG SIGLA ni John Estrada nang makakuwentuhan namin recently matapos ang live airing ng Happy Yipee Yehey.  Obviously, masaya kasi siya sa piling ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.

“Okey na okey,” aniya nga. “Excited na kami kasi malapit na ang February na due ng pa-nganganak niya.”

Baby girl daw ang para-ting nilang munting anghel. Pero wala pa raw silang naiisip na ipapangalan.

“Pinag-iisipan pa namin. Tumitingin pa kami sa mga… una ang tinitingnan namin eh, Bible. Pero, ah… hindi pa kami solved talaga, so wala pa kaming exact full name.”

Kumusta naman ang naging paglilihi ni Priscilla? Hindi ba ito nahirapan?

“Medyo su-werte naman dahil wala naman… hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagbubutis niya. Siguro ‘yong first few months lang… nakita ko siya na sumusuka. Konting kain, kapag hindi niya nagugustuhan, medyo isinusuka niya.  But now, okey na.”

Ano ‘yong laging iniri-request sa kanya ni Priscilla no’ng time ng paglilihi nito?

“Uhm… ang alam ko, malakas siya sa cheese, eh. Mahilig siya sa keso. So, ‘yon lang ang parati niyang… kapag naggu-grocery kami, marami siyang kesong binibili,” natawang sabi pa ni John.

Pagkapanganak ba ni Priscilla, papayagan niya itong maging active ulit sa showbiz kung gugustuhin ng dating Brazilian model-beauty queen?

“Never naman talaga siyang naging active sa showbiz. Ah… mas more siya sa commercials at modeling. Pero kung anuman ang gusto niyang gawin eh, susuportahan ko siya.”

Tangkain kaya niyang kuning ninong ang dati niyang bestfriend na si Willie Revillame?

“Ah… to be honest, hindi siguro. Dahil alam kong hindi naman siya pupunta. At hindi naman niya ia-acknowledge iyon, e.”

Kung sabagay, bestman nga sana si Willie sa kasal nila ni Priscilla pero umatras ito nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

“Malalim ang sama ng loob niya sa akin. Na siguro naman in time, makakalimutan niya rin.”

Magpa-Pasko na. Sana nga’y magkabati na sila.

 

SA NOVEMBER 21, magsisimula nang umere sa TV5 ang bagong primetime series ng TV5. Ito ay ang movie remake ng pelikulang PS I Love You na pinagbidahan noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Balik-tambalan ito nina Alex Gonzaga at Kean Cipriano. At balitang parang bago pa lang silang magtatambal na nagkakailangan pa sa isa’t isa to think na naging magkapareha na sila dati sa BFGF.

“Siguro dahil nagkaroon kami dati ng konting misunderstanding ni Kean,” pag-amin ng isa sa host ng Juicy Express.  “Tapos, siguro parang ngayon, eh… starting all over kami ngayon ni Kean ng friendship namin. Kaya… ayon.”

Ayaw naman nang idetalye pa ni Alex kung ano ‘yong misunderstanding na namagitan sa kanila ni Kean dati.

Wala ba talagang ligawan na nangyari sa kanila dati?

“Hindi ko alam!” napabungisngis ulit si Alex. “Siguro parang… naging close kami dahil sa trabaho. Tapos ‘yon… nagkaroon lang ng konting misunderstanding. Pero ngayon, at least kilala na namin ang isa’t isa. Alam na namin ‘yong hindi namin alam tungkol sa isa’t isa dati. Kasi siyempre, nagkakapaan pa kami dati no’ng una kaming magkasama sa trabaho. Ngayon at least alam ko na… ah, ayaw ni Kean ng ganito. Tapos siya rin, alam niya… ah, ayaw ni Alex ng ganito. So, feeling ko mas okey ‘yong ganito na… nag-start kami na parang hindi pa rin kami gano’n ka-close.”

Alam niya na nali-link nga-yon si Kean sa pamosong stylist na si Liz Uy? “Oo!” matipid na sagot niya bago napangiti.

Nabibiro ba niyang tanungin si Kean tungkol do’n? “Ay, hindi naman po. Narinig ko lang naman po ‘yon. Pero siyempre, ano… hindi kasi kami talaga ano, e… Alam mo, para ngang mas close pa nga ako sa ibang kasama namin. Kasi si Kean, minsan-minsan lang nagti-taping. Hindi pa kaming masyadong eksena together.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Alam daw kasi niyang iisnabin lang John Estrada, ‘di kukuning ninong ng anak si Willie Revillame!

  1. who cares about you and your wife and your feud w/willie revillame,dapat isipin mo how will you give your kids w/janice and vanessa,good future ,ikaw lang ang excited sa anak mo sa second nameless wife mo pwe kahiya ka

  2. hay naku john estrada,pwede bah huwag mo kalimutan ang mga anak mo kay Janice,at kay vanessa feeling mo sikat ka buti pa si gary estrada matino mabait na ama,kaya naman si Gary estrada sinuswerte de katulad mo john dakdak ka ng dakdak para kang babae putak ng putak ,kawawa naman yun ibang mong anak

  3. @carol, tanong ko lang sa yo, how well do u know willie at ganun na lang ang pagtatanggol mo sa kanya? Para bang kilalang-kilala mo rin si willie kung makapagsalita ka. Eh kung mabait pala si willie, bakit walang makatagal na asawa sa kanya., aber? Oks lang kung mababa ang ratings ng HYY dahil hindi naman ako naniniwala sa mga ratings na yan. Basta kung anong maganda sa tingin ko, yun ang pinapanood ko.

  4. Dahil money is power, power is dictatorship….parang hindi na tayo natuto nuong dekada 80’s. And Willie is a prime example of it, HINDI SIYA masaya hanggat na ku-control niya yung mga tau-tauhan niya also known as peons.He does not treat them as friends–makaki na kasi ang EGO niyua. Pustahan balang araw na tatakbo ‘yan bilang politiko–lagot ang Pinas!

  5. John, hayaan mo na si Willie.  At least ikaw, paguwi mo sa bahay mo, may asawa na sasalubong sa iyo at makikinig sa mga kuwento mo.  Si Willie, pag-uwi niya sa mansiyon niya, mga kotse, muwebles, at mga dingding ang kausap niya at nakikinig sa kanya.

  6. A godfather is someone that also needs to provide religious guidance, something that Willie can not do. It;s okay to leave him out of your list of preferred godparents. Walang mawawala.

  7. naku puro paawa si john para siya ang kampihan ng mga tao maski ako ganon din ang gagawin kasi puro kasinungalingan ang mga sinasabi ni john alalahanin ninyo magaling na artista si john keysa kay wil korak ka carol bulaan si john…ginagamit pa si wil para tumaas ang kanilang hyy wla na talagang pag=asa…hahahahaa

  8. Magaling talaga sa pagka crab mentality. Ni hindi ninyo alam ang tunay na nangyari.
    Si John Estrada, bestfriend ni Willie na tumulong kay John dahil ikakasal siya kay Priscilla. Ni hindi man lang binaggit kay Willie na kinukuha pala siya ng ABS. Tinawag ni John si Willie while may show si Willie na tapos na contract sa abs cbn. Nilihim ni john estrada ang lahat lahat sa bestfriend, meanwhile may planong magshow si John sa TV5.
    Si Lito Camo, binilhan ng kotse ni Willie yaan at pera kapag kailan ni Lito. Lagi siyang kasama sa abroad for shows. Lately may bagong kanta si Willie sa show, ginaya naman ni Lito at nag compose din si Lito halos exacto ang sayaw. Nagulat si Willie. hayun, tumahimik si Willie, Hindi nakikialam sa buhay ng may buhay si Willie, he values friendship and loyalty.

  9. Willie wants to run everybody’s lives and that includes john and randy at yun and ayaw ng dalawa. I would do the same if i were in their shoes..

  10. Si lito camo sinabi na noong down si willie, hindi nya ito iniwan at nang sumikat na naman ito ngayon, bali wala na yong nandoon siya noong down na down si Willie. Ano bang nangyayari nitong si Willie, bakit ba pati buhay ng mga kaibigan niya, dapat siya ang mag decide kung anong dapat gawin nila sa buhay nila. Kung kailangan magtrabaho ng mga kaibigan nya sa ibang network para masopurtahan ang pamilya nila, as a true friend, dapat hindi si Willie magalit, dapat maintindihan nya yon kung totoo siyang kaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.