Alagang kalabaw; bebot, patay sa kidlat

ISANG 32-ANYOS na babae kasama ang kanyang alagang kalabaw ang tinamaan ng kidlat na nagresulta sa kanilang pagkamatay sa Albay. Una rito, naging masungit ang panahon na sinabayan ng pagkulog at pagkidlat.

Naganap ang nasabing insidente bandang alas-3:00 ng hapon kamalakawa sa isang coconut plantation sa Brgy. Diaro sa bayan ng Malinao ng naturang lalawigan habang nakasakay sa inaalagaang kalabaw ang biktimang si Milana Casaol y Calubag.

Ayon kay SPO3 Carullo ng Malinao Municipal Police Station, sinabi nito na ang biktima ay caretaker ng nasabing coconut plantation na sinubukan lamang na isilong ang inaalagaang kalabaw na namatay rin sa nabanggit na insidente.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga kinauukulan ng Tabaco City Police ang report na may isa pang nasawi dahil sa tama ng kidlat sa kanilang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.