Al-Qaeda Threats, ‘Di Kakalat sa ‘Pinas – Malacañang

NANINIWALA ANG Pa-lasyo na hindi kakalat o magkakaroon ng spillover sa Pilipinas ang banta ng Al-Qaeda sa embahada ng US sa Middle East at North Africa.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malinaw naman ang intelligence report ng US kung saan nakatuon ang banta sa Middle East at North Africa.

Sinabi ni Lacierda na naninigurado pa rin naman ang pamahalaan at patuloy ang panganga-lap ng impormasyon.

Katunayan, bagama’t mahigpit na ang seguridad sa US Embassy sa Manila, hinigpitan pa para hindi malusutan ng mga terorista.

“’Yung threat primarily, as monitored by US intelligence agencies, really primarily focused on North Africa and Middle East. As far as Secretary (Cesar) Garcia is concerned when we spoke to him yesterday, just to be sure, we also want to harden the targets here in Manila, specifically, the US Embassy and other installations of… belonging to the US government. So that’s what we are doing right now and also we are intensifying intelligence gathering. But, if you read the global alert, it was primarily focused on North Africa and the Middle East,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.