Akyat Bahay: Valerie Concepcion’s Home

Bunga ng tagumpay ni Val!

SAKTO LAMANG SA buongt pamilya ni Valerie Concepcion ang two-storey house na may sukat na 344 sq.m. “Hindi ito masyadong malaki, at hindi rin masyadong maliit,” chika ng seksing co-host sa noontime show na Wowowee.

Matatagpuan sa Quezon City bagong bahay ni Val. Kumuha siya ng sikat na designer tulad ni Lota Buenaflor na siyang gumawa ng makabagong eclectic look para sa bahay. Ang Zen ang gumawa ng panlabas na disenyo ng bahay, habang ang Modern Asia naman ang nagbigay-buhay sa interior design.

Nabili pa raw nila sa Chinatown ang mga kasangkapan sa bahay, kabilang isang massgae chair. Iminungkahi namang punuan ng Ed Santuangco paintings ang dining area, na nagpatingkad naman sa family collection na Noritake fine china.

Mayroon ding recewiving area sa second floor ng bahay, na nagsisilbi na ring home theater area ng pamilya ni Val. Makikita pa nga sa area ang palamuti ng mga trophies ni Val mula sa Star Awards (Best New Actress 2003 at Best Host 2008), at ang mga framed magazine covers at movie posters.

Samantalang mistula namang isang prinsesa si Valerie sa kanyang sariling kuwarto. “Noong nagbalik ako sa pag-aartista, ipinangako ko sa sarili na aking goal ay ang makabili ng sariling bahay para sa family ko. Kahit hindi malaki, basta masasabi kong bunga ng aking tagumpay!”

PHOTOS & STORY BY RONNIE BERNALDO

loading...

3 thoughts on “Akyat Bahay: Valerie Concepcion’s Home

  1. sa standard na pamumuhay ng pinoy
    isang napaka gandang bahay yan!!

    it doesnt matter kung kelangan sobrang laki or wat,
    ang mahalaga , pinag hirapan mo
    at maaus pamumuhay mo,,

    congratz valeriee!!

    bsta kapamilya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.