Akyat-bahay tiklo sa ilalim ng kama

RIZAL—HINDI NA nagawang makalabas ng bahay at nagtago na lamang sa ilalim ng kama ang isang kawatan nang maaresto kahapon ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang suspek na si Yulle  Rosales, 28 anyos,  binata, residente ng # 271  Rodriguez, St., Brgy. San Vicente, Angono, Rizal.

Pormal namang nagsampa ng demanda ang may-ari ng bahay na si Helen De Guzman, residente naman ng Blk 18, Lot 23, Garden of Maia Alta, Brgy. Dalig, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naaresto ang suspek dakong alas-10:30 ng gabi ilang oras matapos na umalis si De Guzman at ihabilin sa kapitbahay ang kanilang bahay.

Nabatid sa biktima na nag-text sa kanya ang mga kapitbahay dahil sa may nakitang tao sa loob at naghahalungkat kung kaya’t agad na tumawag sa guwardiya ng subdivision at hinuli ang suspek.

Ayon sa guwardiyang si Eduarito Beato, Jr. natagpuan niya ang kawatan sa ilalim ng kama at agad namang sumuko.

Nabawi sa pag-iingat ng suspek ang iba’t ibang klase ng mamahaling relo na pag-aari ni De Guzman.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.