Akyat Bahay: The Walchers

THAT’S ENTERTAINMENT DAYS pa naging malapit sa isa’t isa sina Ara Mina at Patricia Javier. Kaya naman kahit saan makarating ang isa, siguradong magkikita at magkikita pa rin sila.

During Ara’s recent trip to the US to do a series of shows, walang puknat na ang pagtatawagan nila ni Patricia sa phone. Kaya, nang tumungo ng L.A. si Ara at dalhin siya sa isang malayong outlet na malapit na sa San Diego,sa Carlsbad, kesehodang halos kalahating araw na itong nagsa-shopping, through her good friend Anne Parrish, sinadya namin ang bahay ni Patricia sa Encinitas, na ilang minutes away lang from Carlsbad.

Tamang-tama naman na nasa bahay si Patricia and her husband Rob Walchers, ang anak nilang si Rob IV at ang Mommy ni Patricia.

Kaya habang nagluluto ang Patricia, at nakikipaglaro si Ara sa kanyang inaanak at tsumitsika naman si hubby, nag-ikot-ikot kami sa tahanan ng katatanghal lang na 2nd runner-up sa ginanap na Mrs. Asia-USA 2009 pageant na ginanap sa Alex Theater in Glendale, California, kung saan ang Mrs. Vietnam ang naging Mrs. Asia.

Rob III is a chiropractor, kaya gustung-gusto ni Ara na nagpapa-unat ng mga buto niya whenever she gets the chance. But that time, wala ang table ni Rob for his patients kaya leeg lang ni Ara ang natrabaho niya.

Kasama naman si Patricia sa grupong Asian Dolls na madalas mag-perform sa Edna’s Ichiban-The Library in South San Francisco.

At nagsu-show rin sila sa iba pang venues.

Asikasong-asikaso ni Patricia ang kanyang pamilya. At sa kuwento nga ni Rob, there was a time na inakala nilang hindi na sila ang magkakatuluyan dahil may time pala na matagal din silang nagkalayo. Pero nang muli na silang magkita, hindi na sila naghiwalay pa. At sa pagdating ni Rob IV sa buhay nila, mas lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama.

Pati sa bahay nila, hands-on ang Patricia, sa pag-aayos and everything, pati na sa mga gawain dito. But in spite of that, kitang-kita pa ring hindi nito napapabayaan ang kanyang beauty at kaseksihan. Kaya nga naging beauty title-holder pa. At mukhang sa kanyang kusina, reynang-reyna talaga si Patricia!

A taste of the good life in Uncle Sam’s land, a two-storey house in a plush village in San Diego complete sa lahat ng amenities. But more than all the things in it, it’s the people who dwells in that matters, a happy family – the Walchers!

Text and photos by PILAR MATEO

loading...

One thought on “Akyat Bahay: The Walchers

  1. Ate Pilar,
    Thank you for the visit and for the good article. Ara the best katalaga grabe mabait at maalalahanin ka parin. Hope to see you again!

Leave a Reply

Your email address will not be published.