Akyat Bahay: LJ Reyes enjoys privacy in her new home

NAGKAROON NG PAGKAKATAON ang Pinoy Parazzi na maakyat ang bahay ng Starstruck princess na si LJ Reyes sa isang subdivision sa may Lagro, Fairview. Medyo may kalayuan nga lang itong bahay ni LJ sa kanyang home studio pero keribels lang dahil very peaceful naman ang lugar. Sey nga niya, “Gusto ko rito kahit medyo malayo sa GMA at sa ibang shooting locations dahil tahimik. Nai-enjoy naming ‘yung privacy at katahimikan ng lugar. Lalo na ‘pag pagod ka at kailangan ng pahinga, naa-appreciate ko itong location namin. Malapit din naman kung tutuusin sa city kaya okey lang.”

Bago pala binili ng mga magulang nina LJ ang kanilang new home, talagang nag-househunting pa sila kasama ang kanyang Mommy Lalaine at ang sister na si Lorraine. Talagang ang dami raw nilang pinuntahan, pero nang makita nila itong two-storey home, nagustuhan daw nila agad. Ang bahay pala na ito ay regalo ng mga magulang ng aktres sa kanilang magkakapatid.

“Nag-migrate na ang family namin sa abroad kaya binili na lang sa amin ng mga magulang ko ang bahay na ito. ‘Yung ibang ipon ko, ibinuhos ko na rin dito kasi kailangan din namin ng furniture,” kuwento ni LJ.

Inilibot kami ni LJ sa buong bahay. Una naming napansin ang living room. Simple pero stylish ito. Napaka-homey at cozy ng ambience dahil na rin siguro sa neutral colors ang motif nito. Mas feel kasi ni LJ ang neutral over bold colors dahil nga nakaka-relax ito bukod sa malinis at hindi nakakapagod sa mata.

Marami naman daw ang nagagandahan sa kanilang dining set. Six-seater glass-and-wood dining set ito na makikita sa gitna ng kanilang dining room. Meron namang sliding door sa kanilang dining room na magbibigay daan para sa indoor grotto.

“May grotto kami na may waterfalls, kasi suwerte sa bahay ‘yung may ganu’n. I came from a religious family at ‘yung running water pang cast-out ng bad vibes. Mukhang effective naman,” chika ni LJ.

Very serene naman ang room ni LJ na favorite spot niya sa kanilang bahay kasama ang bathroom. Blue kasi ang motif nito na siyang favorite color niya. Sa kanyang walk-in closet rin makikita ang kanyang sariling bathroom. Sa sobrang laki ng kanyang walk-in closet, pati mga koleksiyon niya ng stuffed toys ay masa-sight na rin du’n. Pero knows n’yo ba na hindi pala masyadong mahilig sa damit itong si LJ? Kasi naman, mas like niya ang maghakot ng maraming shoes, huh!

Photos by Ronnie Bernaldo

Hanggang sa muling pagdalaw, mga kaparazzi!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.