Akyat-bahay gang, umatake; tsimay, pinatay

PATAY ANG ISANG domestic helper o kasambahay nang barilin ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” makaraang manloob sa Cagayan de Oro kahapon ng madaling araw.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang  Mary Grace, 19 anyos, tubong-Zamboanga City at naninilbihan bilang katulong kay Allison Bondoc, owner ng Allison Motors na may branch sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay SPO4 Rowell Bagares ng PNP Region 10, alas-2:15 ng madaling-araw kahapon nang pasukin ng tatlong armadong lalaki ang taha-nan ni Allison sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod.

Makaraang makuha ang pakay, papatakas na ang mga ito nang magising ang biktima na biglang nagulat kaya sumigaw.

Dahil dito, binaril ng mga kawatan ang katulong, kung saan tinamaan ito sa noo dahilan para agad mamatay.

Agad na tumakas ang mga suspek nang matiyak na walang buhay ang biktimang tatlong araw pa lamang nagsisilbi sa tahanan ng negosyante.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.