Akusasyong ‘selective justice’ ni Jinggoy, inalmahan ni De Lima

INALMAHAN NI Justice Secretary Leila de Lima ang iginiit na “selective justice” ni Senador Jinggoy Estrada sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng P10 bilyong

pork barrel fund scam.

Base sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, binigyang-diin ng kalihim na dumaan sa masusing pagsisiyasat ang pagsasampa ng kasong pandarambong kay Estrada, maging kina Senador Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla at iba pang mambabatas.

Hindi nila pinag-iinitan ang tatlong mambabatas. Hindi pa aniya tapos ang pagsasampa nila ng kaso sa mga sangkot sa scam, dagdag pa ni De Lima.

Sa pagtatanong ni Senador Bam Aquino, sinabi rin ng kalihim na una nilang target na kasuhan ang ikalawang batch ng mga akusado sa susunod na linggo.

Ngunit dahil sa ilang trabaho, uunahin nila ang pagsasampa ng reklamo hinggil sa Malampaya Funds at posibleng maipagpaliban ang paghahain sa second batch ng pork barrel cases sa ikalawang linggo ng Oktubre.

Sa privilege speech ni Estrada, partikular na binanatan niya ang Commission on Audit (COA) at Department of Budget Management (DBM) dahil sa hindi kumpletong report na kabilang sa pinagbatayan ng kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Pinantutsadahan din ng senador ang ilang kapwa-mambabatas na aniya’y nagmamalinis sa naturang isyu.

Samantala, patuloy ang pagharap ni De Lima sa Senado kasama ang mga witness sa pork barrel fund scam na sina Benhur Luy, Gertrudes Luy, Marina Sula, Merlina Suña, Arlene Baltazar at Monet Briones.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.