Akusasyon ng Czech ambassador vs Vitangcol, wa epek sa foreign relations

KUMPIYANSA ANG Palasyo na walang negatibong epekto sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa ang akusasyon ng extortion ng ambassador ng Czech Republic laban kay MRT general manager Al Vitangcol III.

Itinanggi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagiging “antagonistic” na ang imahe ng Pilipinas bunsod na rin ng ilang sigalot laban sa ibang bansa.

Maaalala na patuloy na umiinit ang tensyon sa pagitan ng bansa at Tsina dahil pa rin sa usaping teritoryal.

“All in all the actions of the Philippines has always comported itself within. Kumabaga we’ve always been in our best behavior even if there are some issues,” pahayag ni Valte.

“We have good relationships also with most of our neighbors, if not all, even if we tend to have some issues with them.”

Matatandaan na inaakusahan ni Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar si Vitangcol ng pangingikil ng $30 milyon mula sa Inekon Group, isang train coach builder mula Czech Republic.

Kapalit ng pera ang kontrata para sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT.

Itinanggi naman ng MRT chief  ang naturang  akusasyon na nagdulot ng mga panawagan para mag-resign ito sa puwesto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Akusasyon ng Czech ambassador vs Vitangcol, wa epek sa foreign relations

  1. Pingback: Akusasyon ng Czech ambassador vs Vitangcol, wa epek sa foreign relations - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.