Akusado sa Vhong case, nakalabas ng bansa

NAKALABAS NG bansa ang isa sa mga akusado sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ipinagbigay-alam sa kanya ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes na tumulak pa-Singapore si Jose Paolo Calma noong Abril 10.

Nang kuwestyunin umano niya kung bakit hindi ito agad naipaalam sa Department of Justice (DOJ), ikinatuwiran ng BI na John Paul Calma ang nakarehistro sa kanila.

“Ang nakalagay sa LBO (lookout bulletin order)… is John Paul Calma and yet I think ‘yung passport niya ay Jose Paolo Calma.”

Inatasan na umano ng kalihim ang BI na imbestigahan ang insidente.

Lumitaw namang nakalabas ng bansa si Calma bago pa ilabas ang arrest warrnt laban sa kanya para sa kasong grave coercion.

Nitong Lunes, ipinalabas naman ang warrant of arrest sa kasong serious illegal detention na isinampa rin ni Navarro, pero hindi na kasama si Calma.

Kabilang si Calma sa grupo ni Cedric Lee na umano’y nambugbog sa aktor noong Enero 22.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.