Aktress na bagong salta sa network, isang malaking good luck ang gagawing show!

MAYBE NOT THIS Saturday, pero hindi aabutin ng mid-March kung kailan may nakatakdang ianunsiyo si Ryan Agoncillo sa Eat… Bulaga! And your guess is right: nagdadalantao na nga ang maybahay niyang si Judy Ann Santos.

From an EB insider, sa programang ‘yon ito papuputukin ni Ryan, hopefully to make its ratings shoot up and at par with ABS-CBN’s Wowowee (na nahahatak ng Showtime, in fairness).

Kung tutuusin, it’s about time Judai got pregnant. Not only is she of age, pero magandang tingnan na bukod kay Yohan ay meron silang supling na maituturing ni Ryan na theirs.

BLIND ITEM: OVER AT A TV station, panay ang dasal ng marami na sana’y mag-click ang proyekto ng isang bagong saltang aktres sa kanilang bakuran. Last year pa nang pumirma ng kontrata ang naturang talent, but to this day, hindi pa gaanong maugong ang kanyang lalahukang programa of which she’s the topbiller.

Masuwerte ang aktres na ito dahil kahit her show has not taken off yet, sumusuweldo na siya, pero hindi ang production staff na nasa likod nito. Kaya nga kung ganu’n siya pina-pamper ng kanyang bagong tahanan ay siya namang abut-abot ang panalangin ng mga network talents na sumipa ang kanyang show.

May double meaning kasi ang mga salitang naririnig mula sa kanila addressed to the actress: Isang malaking good luck.

MAMAYANG GABI NA ang sponsored dinner ni Mother Lily para sa mag-asawang Ralph Recto at Vilma Santos in her Imperial Palace, home to a handful of the lady producer’s friends na binigyan din niya ng salu-salo recently.

Just recently, Ate Vi was named one of the top 20 Most Trusted Filipinos in an independent survey conducted by Reader’s Digest, one of the world’s most famous and most prestigious magazines.

For sure, hindi makaiiwas si Ate Vi sa intrigang pinasimulan ng isang anonymous (or fictitious?) Vilmanian na nagagalit sa Enpress (Entertainment Press led by Jun Nardo) dahil may kulay umano ang pagkuha nito kay Sharon Cuneta who inducted its new set of officers.

Ayon pa sa nag-circulate na e-mail (or text message), tiyak daw na si Sharon ang tatanghaling Best Actress over Ate Vi sa awarding ceremonies ng grupo. Empress, for its part, has already stood its ground na walang kinalaman si Sharon sa magiging desisyon ng body as to who rightfully deserves the award.

Another sure thing, ngingitian lang ito ni Ate Vi, displaying her usual humility as well as respect for a colleague na tagahanga rin niya, in fairness.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

11 thoughts on “Aktress na bagong salta sa network, isang malaking good luck ang gagawing show!

  1. Wala Pag Laos na wag na pilitin pa!! Wait na lang sumikat Ulit sa TAKDANG PANAHON!! kya ikaw claudine wrong move ang ginawa mo!!! pahinga ka nalang muna pag di nag click ang drama show mo sa kanguso..!!! at di kayo bagay ni Reymart mas bagay kayo ni Mark anthony fernandez…kaso laos ka na eh kya di na bagay syo si Mark…Kya sige kay reymart ka nalang forlife…lolz

  2. FOR YOUR INFORMATION: KUNG BITTER ANG ABS-CBN EH DAPAT SINIRA SIRAAN NA NILA SI CLAUDINE BARETA. SIMULA NUNG UMALIS SI CLAUDINE NAGING TAHIMIK LANG ANG KAPAMILYA SA PAG-ALIS NIYA. KUMBAGA PARANG WALANG NANGYARI ALAM MO YUN

  3. Masyado kasing nagmamadali si Claudine. She should consider waiting like whar Judy Ann did. Masyado syang nagmamadali eh akala nya naman magiging Reyna sya jan sa GME eh bumabagsak na nga sila. Reyna na sya sa ABS makikpag agawan pa sya ng titulo sa GME artists na mga untalented.ell isang malaking goodluck talaga sa kanya!

  4. daming bitter na ka ebs! buti pang lumipat si claudine sa gma dahil may magandang future siya kahit pa sitting pretty na lang hehehe. Milyones ang katapat! Say niyo mga ka ebs?

  5. yan ang nangyayari sa mga taong mayayabang, na ang feeling sa sarili ay napakaimportanteng tao. di ba nila alam na business yan ng GMA at ABS ang ilako ang mga artista na gustong panoorin ng tao. e alangan naman na ibebenta mo ang isang produkto e di na nga gustong tangkilikin ng tao ? kay claudine akala nya e laging bida-bida sya , umalis sya sa abs dahil walang work doon e sa gma ba meron na bang nakalaan na work sa kanya? ano ba ang nangyari kay heart evangelista? hanggat ang ginagawa ng gma e i save kila richard, dingdong , marian , rhian ang magagandang projects e di sila makaka entra dun. dahil ang lahat ng publicity nila e binubuhos nila sa apat na ito na walang talent.

  6. GMA – GUSTONG MAGING ABS-CBN,

    sabagay may bahid ng katotohanan yang sinabi. kung hindi rin naman kase nag primadonna itong si claudine siguro andon pa rin sya. ayan tuloy hindi pa nakagagawa ng show doon sa kabila mukhang laos agad. yun ang tamang freezer andun sa GME

  7. si claudine ang umalis mismo sa dos. pinakawalan sya kasi hindi naman sya kawalan sa network lol eh di ba dapat may gagawin syang soap with gretchen, pero di makapaghintay. nagfefeeling primadona kasi.

  8. hey mr ronnie carrasco III. like kita bilang writer kahit minsan di ko type writeups mo lalo na kung favorite star(s) ko yon. kase credible ka at totoo mga sinasabi mo. keep it up

  9. hay naku ebs sinayang nyo si claudine. sobrang loyal sa inyo nag asawa lang at anak pinabayaan nyo na. dapat si goody ann ang ang pinakawalan nyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.