Aktres, parang may ‘ulalo’ sa dibdib!

 

HINDI NAMAN NAMIN napansin nu’ng nagkita kami, kaya hindi kami makapag-comment kung tama nga ang tsika sa amin ng common friend namin ng isang aktres tungkol sa napansin nito.
“Sana, next time, kung magga-gown siya at mag-o-off-shoulder, sana, takpan niya ng concealer ‘yung mga stretched marks niya sa dibdib niya malapit sa shoulders niya.”
Kitang-kita raw kasi ang “spider web” sa dibdib nito na halatang galing sa dating fats na nu’ng pumayat, “Itsura ng mga ulalo sa kamote, ‘teh.
“Hindi naman sa nanlalait ako, ha?” pero parang gano’n na rin, sa loob-loob namin. “Siyempre, artista siya, naging leading lady siya ng kung sinu-sinong sikat na aktor, tapos, concealer lang para takpan ang mga stretched marks niya, hindi niya magawa?”
Anyway, kung nagbabasa na lang ‘yung aktres at kung totoo man ang claim ng aming common friend, eh gawan na lang niya ng paraan para hindi na pumutak itong friend namin.
Isang beses pa lang na talak ‘yan, baka dumalawa pa ‘yan ng talak, kaya tama na ‘yung isang talak

(By Ogie Diaz)

loading...

8 thoughts on “Aktres, parang may ‘ulalo’ sa dibdib!

  1. naku…pano naman super ganda yan c ogie diaz….sya yta ang reyna ng kapangitan khit noon pa sa central market….at may ulalo lang sa dibdib,,,ndi katulad ng mukha ni ogie…ulalo na tlga…hahahha

  2. yan ang problema sa mga reporters na ito: akala mo kung sino kung magsipanglait. eh ano ba naman ang hitsura niyo? di ba muka naman kayong mga jologs? mga walang pinagaralan? buti nga pinapansin pa kayo ng mga artista eh ang papangit niyo naman. 

  3. Pingback: Aktres, parang may ‘ulalo’ sa dibdib! | Pinoy News

  4. Pingback: Aktres, parang may ‘ulalo’ sa dibdib! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.