Aktres, nakararanas ng verbal abuse sa dyowang male TV host?!

MAY ISANG SERYOSONG isyu na kailangang i-address ng isang male host, married to an actress with whom he has a less than a year-old child.

Kalat na kalat na kasi ang sentimyento ng kanyang misis sa umano’y verbal abuse na kanyang tinitiis sa piling ng kanyang mister, who probably thinks that his wife is intellectually inferior. Hindi tiyak kung ano ang mga eksaktong pangungusap ng panlilibak ng TV host sa kanyang asawa.

But one thing’s  for sure. Galit na ang mga tagahanga ng aktres sa asawa nito. Hindi raw naman kasi lingid sa kaalaman ni mister ang “educational background” ng noo’y syota pa lang niya, if such were a major issue, bakit pinakasalan nga naman nito ang aktres?

In fairness, too, to the actress ay wala siya ni katiting na pretensiyon tungkol sa kanyang kakapusan. Madalas pa ngang gawing biro ni misis ang kahinaan niya sa pag-i-Ingles, kaya hirap siyang makipagsabayan sa mga Ingleserang artista.

But already a married couple that they are now, dapat pa bang gawing isyu kung sino ang mas may pinag-aralan than the other spouse?

Bakit hindi na lang isipin ni mister that for all he knows, ang ipinagkaloob na supling sa kanila ni misis would turn out to be a “talentadong Pinoy” whose talent at an early age can pass for a “junior chef”?

(By Ronnie Carrasco III)

 

loading...

19 thoughts on “Aktres, nakararanas ng verbal abuse sa dyowang male TV host?!

  1. Paano mo namang sabihin na ginagamit ni Ryan si Juday dahil sa pera– he has his own shows, he works everyday sa EB and besides wala sa dugo ni Ryan ang negative description na sinasabi–he looks very inch happy and laid back…this must be a mistaken identity. Ang BI na ito ay hindi si Ryan at Juday.

  2. kapal ng fez nyang si ryan, weno ngayon kung magaling syang mag ingles? ang tindi pa rin ng anghit nya kapag pinapawisan noh! daig pa ang sukang paumbong sa asim! eew!

  3. —- ang OA naman ng BI moh…given na given na eh…sana pinangalanan moh nlng..kaloka ka :)))….well ang masasabi koh lang….pinakasalan ni ryan si juday because of money…eh ano ngayon kung di marunong mag ingles mapera naman si juday noh….kaya si ryan ginamait lang nya utak nya…..at imposibleng iverbal abuse nya si juday… eh si juday ang nagpa gamot sa kanya dahil nga may sakit yan si ryan sa balat..ewn ko lang kung anung sakit yun….at yan ang dapat mong iresearch RONNIE CARASCO hindi yang walang kwenta mong BI…di naman totoo..pa ingles ingles ka pa…halata naman kinopya moh lang sa google..bwahahhaha/yuck!

  4. Obviously, the blind item refers to Ryan Agoncillo as the husband and Judy Ann Santos as the wife.  However, this article is far from truth!  We all know how intelligent and fluent in English Ryan is but he’s not the type of guy who insults his wife.  Judy Ann on the other hand is not the kind of lady who gives in to abuse.  This is a lame article that intends to ruin a beautiful marriage.

  5. Hindi ko naman naririnig kahit kelan na inglesero si Ryan sa mga interview, Yun kasi ang sabi nila eh, englisero daw. Saka laki na nga ng improvement ni Juday sa pag i-ingles, mas magaling pa na sya kina Angel locsin at Marian Rivera at iba pa. Pero di naman big deal ang mga bagay na yan. Mukang wala naman sa itsura ni Ryan ang gagawin nya yan. Saka mukang palaban naman si Juday, mukang hindi nya hahayaang mangyari yan.

  6. If this is true, kawawa naman si Juday. No one should go through any kind of abuse, even verbal. Ryan Agoncillo is not that hot either. Medyo wala siyang hitsura. He’s not a hunk, so he should not treat his wife shabbily.

Leave a Reply

Your email address will not be published.