Aktres, nagrebelde sa pakilamerang ina – Cristy Fermin

ISANG COMMON FRIEND namin ng ina ng isang young actress ang tumawag sa amin kamakailan. Matagal ang aming pag-uusap, nu’ng una’y mababaw lang ang paksang tinutukan namin, pero naging kumplikado na ‘yun nu’ng bandang huli, hanggang sa lumalim na nang lumalim.

Maraming kuwentong lumalabas tungkol sa biglaang pagkawala ng batang aktres, pati ang kanyang pinagbibidahang serye ay kailangang gamutin nang husto dahil ayaw na niyang magtrabaho. Depresyon ang itinuturong dahilan kung bakit biglang nagbago na naman ang timpla ng kanyang buhay.

[ad#post-ad-box]

Madali raw masaktan ang batang aktres, at kapag nagkakaroon sila ng problema ng kanyang karelasyon, siguradong apektado ang kanyang trabaho dahil isa lang ang direksiyon ng kanyang utak.

Pero may nilinaw sa amin ang isang kaibigang tumawag. Sinabi nito sa amin ang sobrang pagkasakal na ng dalaga sa kanyang ina, ‘yun daw ang palaging inirereklamo ng batang aktres sa kanyang mga kaibigan.

Sabi ng aming source, “Nagrerebelde ‘yung bata! Saan ka naman nakakita ng tulad niya na nasa wastong edad na, pero gusto pa ring samahan ng mommy niya sa mga personal nilang lakad ng mga friends niya?

“Palagi silang nagtatalo, palaging nag-aaway ‘yung mag-ina, dahil ang gusto niya, habang nakikipag-party ang anak niya, nandu’n din siya! Natural, ayaw ng mga kabataan ng ganu’n, kalayaan ang matagal nang sigaw ng batang ‘yun,” simulang kuwento ng aming kaibigan.

Reklamo ng young actress, mula pagkabata ay para na siyang robot, kung ano ang sabihin ng kanyang ina ay kailangan niyang gawin at sundin. Pati sa mga isinusuot niyang damit, ang mommy niya ang nagdidikta kung ano, kinalakihan na diumano niya ang ganu’ng kalakaran.

“Para talaga siyang robot na walang sariling disposisyon, meron siyang gusto, pero palaging kinokontra naman ng mommy niya. Sawang-sawa na siya, kaya ngayong may pakpak na ‘yung bata, gusto na niyang lumipad palayo sa pakikialam ng mommy niya sa buong buhay niya,” kuwento pa rin ng aming impormante.

Bukas na libro naman ang buhay ng batang aktres, kaya madaling unawain kung bakit nagkakaganu’n ang kanyang ina, ito ang palaging natatakot sa pagdating ng isang umagang wala na pala sa kanyang poder ang batang aktres.

“Pero sa halip na mag-stay sa kanya ‘yung bata, siya pa mismo ang nagbibigay ng reason para siya iwan. Hindi puwede ang gusto niyang mangyari na habampanahon na lang na robot ang anak niya!

“Kailangang siyang makipag-compromise, meron lang dapat hangganan ang panghihimasok niya sa buhay ng anak niya. Ngayon, kung ayaw niyang mag-adjust, mawawalan talaga siya ng anak,” madiing pahayag ng aming kausap.

BUKAS NANG HAPON ay mapapanood na ang bagong programa ni Ted Failon sa ABS-CBN, ang Failon Ngayon!, na papalit sa nakasanayan na nating oras ng Magandang Gabi, Bayan noon ni Vice-President Noli de Castro.

Nasa ilalim ng pamamahala ng departamento ng News And Current Affairs ng Dos ang Failon Ngayon! na tatalakay sa lahat ng uri ng usaping may kuneksiyon sa ating lipunan.

Naging ritwal na namin tuwing umaga ang panonood sa Tele-Radyo kay Ted sa DZMM, hindi kumpleto ang aming umaga kapag hindi namin natututukan ang Tambalang Failon at Sanchez, punumpuno kasi ang programa at saludo kami sa kadiretsuhan ni Ted sa pag-oopinyon.

Si Ted Failon ang naging utak ng pagdadala ng portalet at paliguan sa mga evacuation centers. Anong utak nga ba naman ang gagana nang maayos mula sa isang katawang ni hindi nasasayaran ng tubig? Kinausap niya ang mga arkitekto para makabuo ng disenyong aangkop para gawing paliguan ng mga nasalanta sa kalamidad.

Ang Failon Ngayon! ay mapapanood na mula bukas tuwing Sabado, alas singko y medya nang hapon, hindi namin palalampasin ang programang ito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

19 thoughts on “Aktres, nagrebelde sa pakilamerang ina – Cristy Fermin

  1. Mega Manila has a higher ownership of televisions per household anywhere in the country due to its relative economic prosperity as compared to other places in the Philippines.

  2. TV ratings agency AGB Nielsen Philippines only considers Metro Manila and the provinces of Central Luzon and Southern Tagalog as “Mega Manila” for their TV audience ratings gathering. The area has a population of 17,902,899 or about 23% of the population, but the area has a higher ownership of televisions per household anywhere in the country due to its relative economic Mega Manila accounts for about 48% of total TV households. The Mega Manila and Luzon markets combined account for about 76% of the total TV households prosperity as compared to other places in the Philippines. Mega Manila demographic, which has the highest television ownership and up to 79% of advertisement spots.
    ********************

    Ang TNS more on sa Visayas & Mindano region lng kya walang subscriber siempre ABS CBN lng ang nagbabayad kundi di panaalo ang ABS CBN edi tsugi na ang TNS lol!

  3. WALANG SUBSCRIBER NA NETWORK ANG TNS KUNDI ANG ABS-CBN. LAHAT NG NETWORKS AT AD AGENCIES, AGB NIELSEN ANG BATAYAN.

    I SHOULD KNOW. I AM WID AN AD AGENCY.

    • nakadoble ka rin siguro ng sardinas ano????
      kahit na sabihin mo na AGB yan, pilipino pa rin ang mga tauhan kaya madaling mabayaran. as if naman bago pa ang kwentong ganito……

    • Talaga? Then you should know that not everyone use AGB as their basis. AGB’s reputation is now soiled. Google what happened in Greece. Don’t be a sore looser.

  4. READERS:
    We give you the Daily Ratings everyday as your guide. Thanks!

    TNS NATIONAL RATINGS
    October 22 (Thursday)

    DAYTIME PROGRAM:
    1. WOWOWEE (24.8%)
    2. NAGSIMULA SA PUSO (18.3%)
    3. EAT BULAGA! (16.1%)
    4. PRECIOUS HEARTS ROMANCE (16%)
    5. MARIA DE JESUS (15.2%)
    6. BANANA SPLIT (14.6%)
    7. PBB DOUBLE-UP UBER (14.4%)
    8. HUNTER X HUNTER (12.7%)
    9. GAME KA NA BA? (12.3%)
    10. DAISY SIYETE (11.4%)

    PRIMETIME PROGRAM:
    1. TV PATROL WORLD (37%)
    2. MAY BUKAS PA (34.5%)
    3. KATORSE (32%)
    4. LOVERS IN PARIS (29.4%)
    5. DARNA (27%)
    6. DAHIL MAY ISANG IKAW (26.6%)
    7. 24 ORAS (23.2%)
    8. STAIRWAY TO HEAVEN (21.2%)
    9. PBB DOUBLE UP (21%)
    10.ROSALINDA (17%)

    NOTE:
    This is the latest ratings as of now. If you want to know if the Programs or Shows you watch have a strong following it will be based on National Ratings not in Mega-Manila. Think about it, Mega-Manila (consist of Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan and Cavite) while Nationwide it pertains to all provinces in the Philippines. It’s like in Presidential Election, can we proclaim the next President based on his total votes in Mega-Manila only? Of course not, it will be based on nationwide voting.

    • Excuse me po! Nag-post ka pa nito, eh channel 2 lang naman ang subscriber ng TNS, so what do you expect? And kung may alam ka sa statistics, dapat ay alam mo na kahit Mega Manila ang consideration ng ratings na ipine-present ng AGB ay mas dense ang population ng television viewers at owners dito (at mas maraming households ang sampling na gamit ng AGB), compared sa rest of the Philippines. Kaya nga kahit advertisers ay ito ang ratings na pinapansin, dahil mas may pakinabang sila dito. Okay lang na ipagtanggol mo ang network na gusto mo, pero huwag masyadong mag-marunong.

      • wat abwt those people living in the provinces? walang kwenta yun? mega manila wag magmarunong….. hindi lang kayo ang tao sa bansa

      • magmarunong??????????????? pinost lang ito for all the people to know at may basehan ito. ikaw ang wag magmarunong.,. siguro nakadoble ka ng sardinas at NFA rice kaya panay ang ngawa mo para sa SHIT-TY network mo.

      • SO WHAT YOU’RE SAYING IS THAT THE MEGA MANILA POPULATION IS LARGER THAN THE ENTIRE PROVINCES IN THE PHILIPPINES, COMBINED? WHERE DID YOU GET YOUR STATISTICS? EVEN A FIRST GRADER KNOWS THAT ON A SCALE OF 1 TO 10, 9 IS BIGGER THAN 1. 7Ako, you need some Prozac. Google the meaning of Prozac para matauhan ka.

  5. Ano ka ba naman Cristy, kung talagang matapang kang magsulat, pangalanan mo mga sangkot sa kuwento mo. Mag ba blind item ka eh alam na ng buong Pilipinas kung sino yang sinusulat mo as if naman eh bago pa ang mga kuwento mo. Hello ….

Leave a Reply

Your email address will not be published.