Aktres, nagpalusot sa kagagahan!

NAKAKATAWA ‘TONG EKSENANG ito. Isang aktres ang pinagkulumpunan nu’ng PMPC Star Awards for Movies night ng mga TV crew para interbyuhin.
Nagpaunlak naman ang aktres. Ang tanong sa kanya, “Ano’ng feeling mo at nominated ka? Good luck, ha?”
Sagot niya, “Well, natutuwa naman ako, dahil nakasama nga ako. I’m very flattered dahil napansin din ang kakayahan ko!”
Eh, du’n sa nag-iiinterbyung crew, may bumulong. “Uy, hindi naman nominated ‘yan, ba’t ‘yon ang tanong mo?”
‘Yung bulungan na ‘yon ay narinig ng aktres.
Biglang kambyo ito ng, “Actually, kahit nga ako, nagtataka kumba’t ‘yun ang tanong eh, hindi naman ako nominated. But I’m here because they invited me to attend the awards night!”
Sa loob-loob ng TV crew, “Juice ko, nakakatawa naman talaga ‘tong lola ko. Sana, nu’ng una pa lang, napansin na niya at kinorek na niya, ‘di ba?”
Noon pa naman karakter sa buhay ang aktres na ito, eh. Pero mabait siya at very friendly sa mga reporter, kaya siguro mabilis niyang sinagot na rin na parang nominated siya para hindi naman mapahiya ang TV crew.
(Kami naman ngayon ang lumulusot, hahahaha!)
‘Eto na ang clue: “Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.” Ng ano?
(By Ogie Diaz)

loading...

7 thoughts on “Aktres, nagpalusot sa kagagahan!

  1. Sobra namang kayong maka- “bobo”. Ang bobo, yung hindi marunong na tinuruan mo na pero di pa ren natuto, pero tingin ko dito sa reporter dito, wala lang syang alam o more like not aware or not updated, pero definitely bobo. Mas bobo yung sumasagot sa tanong na alam naman nyang mali. Sino na nga ba to, si snooky nga ba?

  2. BOBO YUNG REPORTER NA NAGTANONG KUNG AKO YUNG TINANONG NYA SASABIHIN KO SA KANYA NA MALI CYA AT KUNG IPAGPIPILITAN PA RIN NYA EH SASABIHIN KONG BOBO CYA NG MAPAHIYA CYA SA KABOBOHAN NYA.

  3. Talaga naman bobo ang nagtanong. Kung hindi nominated bakit nagtanong ng ganoon. Kaya sumagot ang actress ay baka inakala niyang na-nominated siya na hindi niya nalalaman. Natural sakay lang muna siya. Pero ng malaman niya ay kumambiya siya. Wala namang masama doon. Kayong mga reporter umayos kayo !

  4. siguro mas tanga yung nag tanong kaysa sa duon sa sumagot, kung alam mo na di naman nominated yung tao bakit mo tatanungin kung ano feeling niya at nominated siya…..at tingin ko mas tanga itong repoter na nagsulat ng issue na ito..walang sense….

  5. Pagong….hahaha…Snooky Serna….di ba bansag kay Snooky noong kasikatan nya ay Pagong dahil laging late….

Leave a Reply

Your email address will not be published.