Aktres, nag-bobita banana sa isang pictorial!

ALIW NA ALIW kami sa kuwento ng isang artista. Nagpiktoryal kasi sila para sa isang teleserye. So isa-isa ang piktoryal.
Tapos, nu’ng turn na ng bidang babae (na, kung anu-anong expression ng mukha ang ipinagagawa ng photographer)…
“Ok, smile!” smile naman ang aktres.
“Ok, serious this time!” sumeryoso naman ang face ng aktres.
“Ok, this time, show some fierce!”
Nalokah ang photographer. Ang inaasahan niya kasi, punum-puno ng galit ang mukha ni Aktres na mukhang “maliit” ang “apelyido.” Kaso, ‘yung face ng aktres, punumpuno ng takot!
“No, show me some fierce!”
“’Eto na nga,” nagpakita na naman ng mukhang punum-puno ng takot ang aktres.
Lihim na nagtawanan ang ibang kasama sa pictorial, dahil noon lang nila na-realize na iba pala ang pagkakaintindi ng aktres sa “fierce.”
Galit na bakas sa mukha ang gustong makita ng photographer. Ang ginawa ng aktres, nagpakita ng mukhang punumpuno ng “fears.”
(By Ogie Diaz)

loading...

20 thoughts on “Aktres, nag-bobita banana sa isang pictorial!

  1. @bakla ka: WOW. Effort tlga sa pag explain?  Although it may seem to be MARIAN, I doubt it. Could it be… Katrina HaLILIT? XD Just a guess though. 

  2. si HEART EVANGELISTA yan.. doon sa bago nilang palabas. atska ung clue “maliit” edi sya nga DWARFINA

  3. Tamah ndi yan cla megan or lauren young sa america cla pinanganak ibig sabihin magaling at mahusay ang english nila im sure mali ang tangang photographer na yan bobo kc,

  4. @kawawa naman ang TUM. I totally agree with you kasi the Young sisters, correct me if i’m wrong were both born and raised abroad. Correct pronunciation makes a difference at aminin natin na lahat tayo’y may kanya-kanyang accent depende kung saan region tayo nanggaling. Baka naman iba ang pag-pronounce nung potographer kaya di sya naintindihan nung aktress.

  5. mga bakla si marian starfish yan. saka isa pa wag nyo na ipagtanggol si palengkera by stretching your imagination kung paano na pronounce yung word na fierce dahil contextually hindi mo naman sasabihin na show me some fears. Si marian lang talaga kasi may fear of english, ayan ha walang s para alam nyo tamang usage mga bakla hahahahaha.

    Tunog maliit ang apelyido? Kasi parang ang Lolit, small version Lolita, Ana = Anita, kaya river = rivera, gets???

  6. Kung ang mga Young sisters ito, I’m sure, they misunderstood the photographer. These are half breed kids that can speak english well. Pronouncing the short “i” and long “i” is still our major problem. Fierce is pronounced with a short I while Fears is pronounced with a double EE. Kaya kung mali ang pagka pronounce nang photographer, lumalabas na Fears. Saka, dapat, kung action word, hindi dapat na Fierce lang. Ang clue is mukhang “maliit” ang apelyido, gaya nang small, bulilit, etc. . . .a ewan. . .

  7. Parang either is Lauren or Meagan Young yata ito kasi ang clue ay “MALIIT”, di ba ang english kung maliit pa ang tao is young. Para ngang ang Young sisters na ito.

  8. KIM C H I U…..sus anong Marian Rivera? marunong ba kayong mag bilang ng letra ng apelyido?Sabi SHORT eh.

  9. marian rivera? eto namang photographer pa-sosyal pa kasi. not everyone understands what fierce means and that term is so 2009.

  10. baka naman ang pagkaka-pronounce nung photographer sa “fierce” ay “fears” kaya hindi magkaintindihan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.