Aktres na produkto ng artista search, feeling sikat sa Boracay!

KINSA SIYA? SINO itong produkto ng isang artista search na nitong nakaraang Holy Week lang sa Boracay ay nagpi-feeling sikat daw? Kuwento ng aming source, usap-usapan daw ng mga roomboy at mga hotel staff itong aktres-aktresan na ito na may kasamang boyfriend na two days na raw ayaw lumabas ng hotel.

Rason daw ng girl na ito ay baka daw pagkaguluhan siya sa labas. “Weeee, ‘di nga? Pagkaguluhan nga ba talaga?” Ang pagtataray pang kuwento nang aming source.

‘Eto na, siguro ay naburyong na itong babaeng ito sa kuwarto kaya lumabas na after 2 days para mamasyal sa magandang lugar ng Boracay. Ang ending hindi siya pinagkaguluhan.

Ayon pa sa aming source, “hindi siya si Kim Chiu o si Bea Alonzo na kukuyugin ng tao, ‘noh!” Pero bawi naman ng aming source, may iilang nagpa-picture naman daw sa aktres-aktresan na itong nagpi-feeling sikat.

“Ay ‘teh ‘yan na lang muna at kakain na ako, baka mapadami ang rice na u-orderin ko, gutom na ako eh,” pagtatapos nang aming source na may katambal pang clue.

(By Arniel Serato)

loading...

11 thoughts on “Aktres na produkto ng artista search, feeling sikat sa Boracay!

  1. Nag honeymoon yan for sure, Ano naman ang gagawin nag mag syota sa loob ng 2 araw sa room???

  2. kung si jackie rice ito? ganda pala talaga nya in person, nakita ko sya sa boracay…kutis nya flawless… sana sya na lang ang napangasawa ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.