Aktres na dumaraan sa matinding pagsubok, dinedma lang ng ilang nakatrabaho!

BY APRIL (ALSO his birth month), Ricky Lo will have come full circle.

Tatapusin na lang ng batikang entertainment editor-columnist ang kanyang hosting stint sa Startalk sa buong Marso, the following month will see him “shaking” with the rest of fresh transferees in the Ka-shake network, TV5.

Kung magugunita, Tito Ricky began his hosting career on The Buzz, only to join GMA via Showbiz Stripped. Nalipat ito retitled The Ricky Lo Exclusives on QTV, na noong mawala sa ere ay in-absorb naman siya sa Startalk.

Isang weekend showbiz-oriented talk show ang nakaabang kay Tito Ricky sa Singko, pero pina-fine-tune pa ang konsepto nito that he doesn’t even know yet kung ano’ng magiging format. Even in tsikahan natin with close friends, ayaw pa munang ipagkaingay ni Tito Ricky ang kanyang paglipat bagama’t he already signed a contract.

Siyempre, isa sa mga nalungkot sa development na ito ay si Lolit Solis. All along she thought that co-host Butch Francisco would jump over the fence.

BLIND ITEM: MAY mga naaawa, pero meron ding mga nagkikibit-balikat sa matinding dagok na pinagdaraanan ngayon ng isang actress. More than ever, ngayon niya higit kailangan ang maraming raket, as many as her body can endure, to cure a nearest kin’s sick body.

Nu’n pa lang December 2009 nawalan ng TV show ang actress, said to be the production staff’s worst migraine.

“Marami sa kanya ang nagrereklamo, kesyo pangit daw nu’ng mga pinasusuot. At kung talak-talakan niya ‘yung mga PA (production assistant), ganu’n-ganu’n na lang, at sa harap pa mandin ng maraming tao, ha?! The height, pati EP (Executive Producer) inaaway-away niya!” Kuwento ng isang dating katrabaho ng actress.

Wala rin daw itong pakundangan ‘pag nagagalit sa “katangahan” ng mismong alalay niya. One time daw ay kausap nito ang kanyang ina sa cellphone, ito ang napagbuntungan niya sa inirereklamong alalay.

“Mommy, ano ba ‘to, ang tanga-tanga! Kung alam ko lang, ako na sana ang naghanda ng gamit ko. Ang tanga-tanga! Pauuwiin ko na ‘to, ha?!” Na habang kausap daw ang ina ay sige ito sa paglalakad sa set, dinig ng buong staff at co-stars niya ang kanyang litany.

Lately, nakailang panawagan na ang aktres na sana naman daw ay alukin siya ng trabaho mapa-kung anong TV network dahil wala naman daw siyang exclusive contract sa istasyong dating pinaglingkuran.

Given her family crisis, gusto na lang naming unawain ang aktres. Pero sana’y gamitin din siyang intrumento ni “Bro” upang maliwanagan ang kanyang isip sa pakikitungo sa kanyang kapwa, even to her sister whose forthcoming wedding she vowed she would never attend.

Umiiwas kaya ang aktres sa simbahan dahil nasa gitna ng altar si “Bro” na minsan niyang kinamuhian sa kanyang Twitter account? Isn’t she “more sick” than her mom?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

5 thoughts on “Aktres na dumaraan sa matinding pagsubok, dinedma lang ng ilang nakatrabaho!

  1. Totoo bang mas maraming tiga KAPAMILYA ang tumulong sa panawagan ni Francine kaysa sa kanyang mga KAPUSO? Mga wala naman pala kayong puso.

  2. mga hayop talaga tong mga bayarang writers ng GMA!

    di na nga matulungan ng GMA si francine, sisiraan pa nila yung tao! walang pusong KAPUSO.!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.