Aktres, dating nagtatrabaho sa escort service?

BLIND ITEM: We often say — base sa isang popular ditty noong 70’s — that if love comes from the most unexpected places, so does showbiz tsismis.

Habang naggugudtaym kami sa aming nightly watering hole sa Pasay City, a charming waitress — na itatago na lang namin sa alyas na Chiqui — joined our table. Little did we know na marami pala siyang alam tungkol sa isang aktres na kababayan niya outside Metro Manila.

How the actress was able to penetrate showbiz ay utang na loob niya sa isang TV director. Nagkataon na kaibigan ng direktor na ‘yon ang isa sa mga local politician, na ineeskortan pala ng noo’y hindi pa aktres.

Ayon kay Chiqui, nasadlak ang aktres sa escort service. Self-explanatory na ang laganap na propesyong ‘yon sa showbiz, hindi nga lang makumpirma sa amin ni Chiqui if there was more to that. But the actress’s economic condition pushed her to it, ayon sa aming source.

Ang ina kasi ng aktres na nagtatrabaho bilang isang DH (domestic helper) sa abroad ay nabuntis ng kanyang foreign employer, na siyang ama ng aktres.

Problemado kung paano niya itataguyod ang kanyang sanggol, napilitang ihabilin ng DH mother ang kanyang munting anghel sa isang matandang kaanak (bahala na kayong mag-isip kung ano’ng degree of consanguinity).

Tinukoy naman ni Chiqui ang eksaktong kinalakhan ng aktres, who grew up living in a modest single detached dwelling. ‘Yun nga lang, dahil napaliligiran daw ‘yon ng mga iskwater, kung kaya’t hindi na raw dapat pagtakhan kung bakit ganoon ang asal at pananalita ng aktres.

Da who ang aktres? Hantingin n’yo na lang si Chiqui — hindi para “ikanta” ang identity ng ating bida — kundi para magpamalas ng ibang talento.

By Ronnie Carrasco

Previous articleGawad Katapatan (Batch 22)
Next articleDating young actor, iniwan ang anak sa dating nakarelasyong rich gay

No posts to display