Blind Item: Aktres, balik sa paglaklak ng sleeping pills?

TAWA KAMI NANG tawa sa kuwentuhan ng mga kasama namin sa hanapbuhay na namumuti na ang mga mata sa kahihintay sa bida ng isang pelikula, pero kahit anino ay wala pa rin, kaya nag-alisan na sila sa presscon.

“Ang sabi sa amin, nasiraan daw siya ng sasakyan, kaya ang sagot naman naming mga nandu’n, bakit, hindi ba siya puwedeng mag-taxi na lang muna para lang makahabol siya?” komento ng isang kapwa manunulat.

Alas kuwatro nang hapon daw ang simula ng presscon, pero alas otso na ay wala pa rin ang star ng palabas, kahit naman siguro ipinanganak na kakambal ng inunan ang pagiging matiyaga at matiisin ay talagang susuko na sa kahihintay sa kanya.

Nakauwi na sila nang dumating ang aktres, pinanindigan niya ang kuwentong nasiraan siya ng sasakyan papunta sa presscon, pero may isang malabiga du’n na nagkuwentong pasado alas siyete na nang umalis sa kanyang bahay ang aktres.

‘Yun daw ang totoong bersiyon at hindi ang dramang nasiraan siya ng sasakyan, gabi na raw nu’ng umalis sa kanyang bahay ang aktres, kaya talagang mamumuti ang mga mata ng mga naghihintay sa kanya nu’ng hapon pa lang.

Totoo nga kayang balik na naman sa dati ang aktres na ito sa paglaklak ng sleeping pills? Kung paisa-isa lang ang inom ng tableta ay simple lang ‘yun, laklak ang terminong ginagamit kapag banig-banig o dakot-dakot na ang paggamit ng pildoras na pampatulog, tulad ng nakagawian nang gawin ng aktres na ito.

Akala ng marami’y bumaklas na sa kanyang dating bisyo ang aktres, pero mukhang nahila na naman siya pabalik, sayang ang mga oportunidad na ipinagkakatiwala pa rin sa kanya sa kabila ng pagkulimlim ng kinang ng kanyang bituin.

by Cristy Fermin

loading...

16 thoughts on “Blind Item: Aktres, balik sa paglaklak ng sleeping pills?

  1. Iba dito basura talaga utak si Angel na naman pinuntirya kelan ba nabalitang adik sa sleeping pills si Angel basahin nyo maigi …artista balik sa pag lalaklak ng sleeping pills daw – eh obviously si Osang yan na dati na talagang adik di lang pills kundi iba iba pa. Mga haters ni Angel mga bobo ata di marunong umintindi gumagawa pa ng sariling estorya…asus !

  2. kawawa naman tong mga TIMAWA na mga fans ni engel pokpok laosin…lahat gagawin maipagtatanggol lang ang TUHOG QUEEN… haaaaaaayyyyyyyy

    • waaah kawawa naman ang mga squatter na ito lahat nalang dinidikit ky Angel parang iisa lang ang artista sa mundo… napaghahalatang mga BOBO

  3. si rosanna roces ito. siyempre, kapag ang artista, hindi na nakukuwartahan ni CRISTY “BALAHURA”Fermin, sinisiraan at inilalabas na niya ang baho.

  4. tsk tsk tsk…Magkano na naman kaya binayad dito ng mga revilla. eh kailan lang pinakinabangan mo si osang sa gallery mo di ba? pinag pose mo ng hubad tapos nung mabili yung mga painting pinang on line gaming mo lang. IKAW SHREK LAHAT NG PANINIRA MO PURO PATUBGKOL SA YO!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.