Aktres, baby sitter ang trabaho sa ibang bansa?!

HINDI LANG PALA ang isang premyadong aktres ang sinasabing may odd job sa abroad, kung saan siya naka-base ngayon.
Natsitsismis din palang may odd job din ang isang aktres na ilang taon pa lang nawawala sa bansa. Ang tsika, nagtatrabaho na rin daw bilang babysitter ang aktres ngayon.
Ang alam namin ay working in an office ang aktres. Nasa corporate world pa nga siya kaya naman afford pa rin niya ang manamit nang sosyal. At lagi pa rin niyang carry ang mga signature bags niya.
Well, sabi sa isang website, isang babysitter na nga raw ang aktres na ito. True ba itetch?
Kung true man, wala namang masama dahil marangal naman na hanap-buhay iyan. At isa pa, per hour ang bayad sa ganyang trabaho kaya nakasisiguro kaming malaki ang kinikita ng aktres kung ‘yan nga ang kanyang trabaho.
Baka naman sideline lang niya ang pagba-babysit, hindi kaya?
(By Alex Brosas)

Related Post

loading...

14 thoughts on “Aktres, baby sitter ang trabaho sa ibang bansa?!

  1. Dito sa Amerika, kung maka tsamba ka at makakita ka ng amo na mga mayaman at ikaw ang babysitter ng kanilang mga anak, aba, ganda ng pera nyan ah!. I’d rather be a babysitter na hindi gutom kesa hindi babysitter pero gutom na gutom.

  2. In America, it’s not a question of “what is your job?” but more of “do you have a job?” It doesn’t matter kung katulong, babysitter, basurero or whatever. Mas nakakahiya ang walang job, tambay at palamunin at ang mga ito ay sinusumpa ng mga taxpayers.

  3. HINDI ALAM NITONG WRITER NA ITO NA DITO SA AMERICA KAHIT SINO GINAGAWA IYAN..KASI WALA SILANG DISKRIMINASYON SA TRABAHO WALA SILANG KULTURA NA KAGAYA NG SA PILIPINAS NA ITO MABABA ITO MATAAS KAYA NAMAN SISINGHAP SINGHAP ANG EKONOMIYA NATIN…ILAN AT GANO KAYA KADAMING ULOL NA WRITER NA TULAD NITO?KAYA TYO PINAGTATAWANAN NG MGA PUTI…BUTI NA LANG DITO SA AMERIKA MAY DIGNITY OF LABOR ANG MGA NANGMAMATA LANG NAMAN DITO MGA KAPWA PILIPINO…

  4. Bakit ba minamaliit ang pagiging baby sitter, alam kaya nila na sumasahod ng $800 per week ( walang bawas) Ang isang baby sitter. Kung sa pinas ka, kahit manager ka pa sa isang malaking corporation ay di ka sasagot ng 33,000php isang linggo. Walang masama sa trabahong ito. 

  5. Hayaan nyo na sila, may karma rin ang mga taong pinagkakakitaan ang panlilibak ng kapwa. Basta tayo, observe observe lang.

  6. desenteng trabaho ang pinagpapaguran nung tao, ano ibig palabasin nitong article na to?! di hamak na mas malaki kinikita nya kumpara sayo. Utak talangka!!!

  7. May baby sister dito sa CALI naka bili ng paupahang bahay sa L.A.Malaki ang sahod ng mga iyan minsan umaabot ng 1 libong dolyar kada linggo wala pang tax. Mas malaki pa sa mga sahod ng ibang artista jan.di Bah!

  8. totoo ano ang sama ng babysitter mas malaki pa nag kinikita nyan kaysa mag opisina kayo di pa gagastos ng make up at mamahaling damit at di pa masyadong pressure ang work.

  9. So, what is wrong being a babysitter. Marangal na trabaho ito, di magnanakaw at prostitute (although in some parts of world, prostitution is legal). Mga pinoy na di nakakalabas ng bansa eh makikitid ang utak at masyadong mapanglait sa mga blue collar jobs na well paid sa ibang bansa. Gumising na ang utak ninyo para di mabagoong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.