Aktor, walang magawa sa sobrang liberated ng anak ng young actor!

KUNG NOON AY interesanteng paksa ang pag-usapan ang kanyang binatilyong anak, todo-iwas na ngayon ang mahusay na aktor na ito sa mga reporter na nagtatangkang usisain siya tungkol dito.

Matatandaang ganoon na lang ka-excited ang aktor when reunited with his son na umuwi galing sa ibang bansa.  Ang talagang pakay ng pagbabalik ng kanyang anak ay para tapusin ang kanyang pag-aaral, but like hos showbiz parents ay naengganyo rin itong mag-artista.

For the most part of the young boy’s life, he had been exposed to a culture so different from ours, kaya siguro sa mura niyang edad ay liberated na siya.  Ito ang pinapalagan ng kanyang amang aktor, hindi na nga naman nito naaasikaso ang kanyang pag-aaral ay pangtsitsiks pa ang inaatupag.  In fact, the young boy would often bring home girls, lots of them na sa kanyang kuwarto niya ineestima and God-knows-what.

Dito na raw nagsimulang magtalo madalas ang mag-ama, kaya sa halip na nasa poder ng aktor ang bagets ay tumutuloy ito ngayon sa kanyang tiyahin, nakababatang kapatid ng kanyang retired actress-mom.

Da who ang mag-amang ito? Uri ng salad ang fadir, samantalang rebolusyunaryo naman noong panahon ng mga Kastila ang anak.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleCelebrity couple, lahat ng gastos sa okasyon, libre!
Next articleKilalang aktor, ginawang basurahan ang kamay ng isang tv crew!

No posts to display