Blind Item: Aktor-producer, nanlait ng indie film producer

BLIND ITEM: MAY pagkataklesa ang aktor-producer na ito nang sabihin niyang never niyang inisip o kinunsider ang mag-produce ng pelikula.

Kahit daw indie movie ay sandosenang beses niyang pag-iisipang pasukin dahil masyado daw mataas ang risk ng paggastos dito.

Okey na sana ang mga ganitong linya kung hindi pa raw nito dinagdagan ng nakakalokang statement na, “Ayoko namang magsinungaling na maganda o critically-acclaimed ang gawa namin o kumikita ang movie namin dahil padded lang o pang-press release lang ng mga producers,” or words to that effect na   sinabi diumano nito.

Nang itanong nga raw sa aktor na ito kung may pinatatamaan siya sa kanyang tinuran ay ngumiti pa ito at sinabing, “Aktor din ako.”

Yun na!!!!

by Ambet Nabus

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Aktor-producer, nanlait ng indie film producer

Leave a Reply

Your email address will not be published.