Aktor na si AJ Perez, patay sa vehicular accident

PATAY ANG ACTOR/ talent ng ABS-CBN network sa vehicular accident sa Bgy. San Julian, Tarlac City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Moncada, Tarlac PNP, kinilala ang nasawi na si Anthony Joseph “AJ” Perez habang sugatan ang ama nito na si Gerardo Perez, driver na si Christopher Bautista; crew members na sina Christina Ferrer, Edwin Patelos at Danny Linunga.

Naganap ang malagim na insidente dakong alas-12:10 ng madaling araw sa McArthur Highway, Barangay San Julian.

Ayon kay Chief Insp. Augusto Pasamonte, hepe ng Moncada PNP, nakilala lamang si Perez sa pamamagitan ng kanyang mga personal na gamit.

Tinangka pang isalba ang buhay ng young actor subalit dead on arrival na ito sa pagamutan.

Nabatid na kagagaling lamang ng grupo ni Perez sa isang show sa Dagupan City bago naganap ang trahedya.

Sinasabing nagmamadali ang driver na si Bautista kaya nag-overtake ito sa isang truck kaya sumalpok ang kanilang van sa Partas bus na may plakang UV-880 na bumabaybay naman sa north-bound lane ng highway.

Si Perez ay lumalabas sa ilang TV programs ng nasabing TV network.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.