Aktor na sexy ang projection, gustong makaiskor sa bading

BLIND ITEM: Nakakatawa ‘yung isang aktor na ang projection ay sexy pa rin. Kasi ba naman, alam naman niyang bading ang kanyang kinukulit sa text at tawag sa telepono ay hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw, mapa-oo lang niya ito.
Peperahan ba niya ‘yung bading, kaya nangungulit?
Ay, in fairness, hindi. Me pera naman ang aktor. Sa katunayan, kung anik-anik na raket ang kanyang pinapasok kumita lang.
Nandyang tanggap siya nang tanggap ng pa-basketball sa probinsiya. Silang mga artista, laban sa locals. Pa-cute lang na laro sa mga taga-probinsiya.
Tapos, active na active pa sa pagre-recruit dahil an’laki ng kinikita niya sa multi-level marketing o networking.
Saka alam naman ng lahat na bago siya nagkaroon ng sariling pamilya ay nakipag-live in na siya sa bading.
So hindi niya talaga peperahan ang bading. Ang gusto niya ay “makaiskor” dito, dahil ang bading ay “babaeng-babae” ang dating sa kanya. Meron itong boobs, flawless ang skin, long haired, pati mukha, babaing-babae. At higit sa lahat, “nagpalagay ito ng keps.”
Eh natatakot ang bading, dahil normally, ang bading ang nanliligaw sa guy para makuha niya ito, pero sa sitwasyon niya ay si Bading ang hinahabol ng Aktor para “tikman ang alindog” niya sa kama.
“Ay, ayoko talaga, teh,” parang nanginginig pa sa takot ang bakla. “Juice ko, lalo na nung itanong niya sa akin, ‘Okey lang ba sa yo yung me bulitas?’
“Hahahaha! Lalo tuloy akong natakot, ‘teh! Ayoko! Kaya dine-deadma ko siya ngayon. Juice ko, sa iba na lang niya gamitin ang ari niyang me bulitas, ‘wag sa akin!”
Hahahaha!
Sasapatusin ko ang hindi makakahula o ipadadala ko sa bansang napakagulo.

By Ogie Diaz

Previous articleGawad Katapatan (Batch 23)
Next articleYoung actress, nagmamaldita sa fans

No posts to display