Aktor, madalas inuumaga sa condo unit ng sexy young actress!

BLIND ITEM: Pinagtatakhan ng marami ang patuloy na pagde-deny ng sexy young actress tungkol sa sinasabing espesyal na relasyon nilang dalawa ng isang kilala rin namang aktor gayong marami ang nagpapatunay na madalas daw talagang nakikita sa condo unit ng sexy actress na dun natutulog ang aktor at minsan ay umaga na ito umaalis.

Consistent sa pagsasabing magkaibigan lang silang dalawa at inie-enjoy ng sexy actress ang kanyang kalayaan bilang single. Pero marami ang nagsasabi na yaw lang talagang umamin ng dalawa na hindi lang klaro sa amin kung usapan  ba nilang dalawa para lumabas na single pa rin sa mata ng publiko.

Nali-link din ang aktres sa dating nakapareha niya sa isang serye kung saan balitang lumalabas din ang dalawa, pero sa kabila ng pagkakaugnay na ito ng dalawa, naniniwala pa rin ang marami na talagang magkarelasyon sina sexy actress at mahusay na aktor. Patuloy nga lang ito sa pagde-deny sa totoong estado ng kanilang relasyon.

By Melba Llaner

 

loading...

8 thoughts on “Aktor, madalas inuumaga sa condo unit ng sexy young actress!

Leave a Reply

Your email address will not be published.